Chapter 32
The heat
Nagmamadali akong pumunta sa loob ng mansyon. I don't want to talk to anyone. Gusto kong mapag-isa.
"Adara," tawag ni Allen sa aking pangalan ng magkasalubong kami sa bulwagan na hugis arko ng malaking mansyon nila Eros.
"Allen," pilit akong ngumiti sa kaniya.
"I'm sorry, I think, I can't have a dinner with you right now."
Lumampas sa aking likuran ang kaniyang paningin, and then his cold eyes bore into mine.
"Okay," malamig na sabi niya at tumalikod.
Naguilty ako bigla kaya agad ko siyang hinabol at hinawakan sa braso.
"Allen, okay... lang ba talaga?" guilty'ng saad ko.
"It's okay Adara, your mate is already here. Enjoy."
Huh? Anong enjoy?
Umalis na siya sa aking harapan kaya napalingon ako sa paligid. Meron pang mga naiwang mga nagkakasiyahan, pero kaunti na lang. Napahaplos ako sa kilay at napalingon sa likuran.
Naroon pa rin si Zaniel, nakatiim bagang habang sinusundan ng tingin ang likuran ni Allen.
Napasimangot ako at dumeretso na sa loob ng mansyon nila Eros. Nagtataka rin ako kung bakit hindi ko pa siya nakikita mula pa kanina. At bakit ba sunod ng sunod si Zaniel sa akin?
Mas lalo akong napasimangot at mas binilisan ang paglalakad sa engrandeng hagdan.
Humahawak ako sa gintong barandilya habang umaakyat sa itaas. Mabuti na lang at kabisado ko na ang papunta sa kwartong aking inuukupa kahit magkakapareho ang mukha ng mga pintuan sa labas.
Hindi pa rin ni Zaniel nilulubayan ang aking likuran kaya napatakbo ako papasok sa pinto. Pagkapasok ko ay agad ko itong isinara, pero agad niyang inilagay ang kamay sa pagitan ng pinto kaya naipit ang kaniyang kamay at hindi tuluyang naisara ang pinto.
"We're going to talk, Adara." malamig niyang sabi sa akin.
Tinignan ko lang siya at nagmadaling pumasok sa maliit na kwarto—at pumasok sa banyo para maligo, hindi ko alam pero ang init ng pakiramdam ko. Even I didn't eat anything, I didn't feel hungry so I decided that I'll just going to sleep.
Hinubad ko ang lahat ng saplot at naglakad papunta sa shower. Ang sinag ng kulay asul na buwan ay napakatingkad ng kulay at ibang-iba sa lahat. Tinignan ko ang iba pang mga buwan sa maliit na bintana na nandito sa banyo.
Ang apat ay mapusyaw ang mga kulay, pero sakto lang para makita ang mga itinatagong kulay nito. Ang isa ay kulay lila, medyo maliit ito sa lahat. Ang iba naman kulay pula, itim, at ang isa ay dilaw na katulad ng buwan sa mundo ng mga tao.
Hindi sila magkakadikit, pero magkakalapit.
Sinabunan ko ang katawan habang natutulala sa kulay asul na buwan na may matingkad na kulay, ngunit ay parang may halo pa itong ibang kulay. It's like it have a million color, pero kapag iyong tignan ay iisa lang ang kulay, kulay asul.
"Adara!" napabusangot ako ng marinig ang frustrated na boses ni Zaniel. Bakit ba nandito siya ngayon? Bakit hindi niya kasama si Astrayela?
"Adi! We really need to talk right now." ngayon ay malumanay na ang boses niya. Para siyang tanga.
"Talk to your mate, so that I can talk to Silver." napanguso ako ng marinig ang seryosong boses ni Andra. Nagbanlaw ako ng katawan at kinuha ang isang puting towel na nakatupi sa gilid. Sa isang medyo malapad na kahoy na kulay brown, malinis ito na ginawang lalagyan ng mga damit.
BINABASA MO ANG
Valen Series 1: The Alpha King
LobisomemUnedited. She don't know herself that much, she finds herself so mysterious because even her own name- she's not sure what it is. Her mother's number one rule is forbidding her to go out from their compound. Until one day, she accidentally violated...