chapter 27

2.3K 88 2
                                    

Chapter 27

Magkatabi kami ni Zaniel na nakaluhod habang kaharap ang lalaki at babaeng nakaupo sa trono.

The men—or the delta's who captured us is in the side of this room, nakahanay sa bawat gilid. Ang dami pala nila.

Good thing they didn't kill me, pero dinala naman nila ako rito sa Valen, pati si Zaniel na nakayuko lang, at mabuti na lang ay binigyan siya ng shorts kanina, bago kami dinakip.

We didn't had a chance to escape, because I don't want them to see Zaniel's uhh.. private part.

Bahagya akong napayuko at napangiwi habang inaalala ang nangyari kanina, hindi nga ni Zan pinakita ang pototoy niya, hinayaan niya naman kaming madakip. Gago talaga.

"Stop cursing me, baby." halos mapairap ako sa sinabi niya. "Huwag kang magsuplada, kung hindi hahalikan kita rito mismo." Napanguso ako at sumulyap sa kaniya.

Nakayuko pa rin siya, hindi manlang nag-aangat ng paningin sa halatang mamahaling couple sa aming unahan.

Habang siya ay nakatungo sa mahigit apat na minutong tinapon kami rito, ako naman ay parang pusa ang mga matang nakatingin sa halatang mag-asawang maharlika na nasa aming harapan—sa itaas ng ilang baitang na hagdan. Pag-alis namin sa mundo ng mga tao ay gabi, dito naman sa Valen ay umaga.

"What's your name young lady?" maawtoridad na sambit ng babae pagkatapos ng ilang minutong makipagtinginan sa akin.

Napalingon ako kay Zaniel at nanatili pa rin siyang nakayuko, ni hindi ako tinitignan. Napanguso ako at napatingin sa paligid.

Sino'ng young lady ang tinutukoy niya? Wala akong kilalang Young Lady ang pangalan.

Kiniskis ko ang mga kamay sa aking likuran na nakagapos. Nakagapos ng kulay silver na metal. Masakit nga, para akong pinapaso at ramdam ko ang sakit, pero mabuti na lang at bearable naman.

Napa-aray ako ng mapasubsob ako sa sahig. Merong sumipa sa aking likod. Mangiyak-ngiyak akong napalingon sa sumipa sa akin, ang sama niya talaga!

Sinamaan ko siya ng tingin at tumayo.

"What's your problem?" nalulukot ang mukha ko sa pinipigilang luha. That's my first time to be treated like that, naiinis ako dahil hindi ako makagalaw, hindi naman ako gaganti, pero ipapaalam ko lang sa kaniya kong paano masubsob sa sahig at dumugo ang ilong.

"The Queen is talking to you," sabi ng lalaking leader ng mga dumakip sa amin kanina, iyong medyo kahawig ni Zaniel.

"Hindi naman Young Lady ang pangalan ko ah?" inis na sabi ko sa kaniya.

"Stop!" natigilan ako ng marinig ang seryoso at dagundong ng boses ni Zan. Npatingin ako sa kaniya at tumayo na siya, nasa akin kaagad ang paningin. Madilim ang kaniyang ekspresyon, wala akong mababasa kahit ni anong emosyon.

Inisang hakbang niya ang pagitan namin habang marahas na iginalaw ang mga kamay na nakagapos sa kaniyang likuran, tumalsik ang kulay pilak na gapos mula sa kaniyang pulso at agad na hinawakan ang aking baywang gamit ang kanan niyang kamay.

Marahan niyang hinawakan ang isang pisngi ko gamit ang kaliwa niyang kamay.

"Does it hurt?" seryoso niyang tanong, marahan akong tumango habang nalalasing sa kaniyang mga matang nakatingin sa akin.

Ramdam kong pinunasan niya ang dugong nasa aking ilong, mabuti na lang at agad namang gumaling ang sugat. Pinatalikod niya ako at agad na binaklas ang nakagapos na nanakapaso at masakit na bagay sa aking pulso.

Valen Series 1: The Alpha King Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon