chapter 11

2.9K 111 12
                                    

Chapter 11

Life is not easy, it's so complicated. That's the one of the lessons I learned in my life. Habang nakikita ko ang mga batang nagtatakbuhan at nagkakasiyahan, ang mga magulang—mga mamamayan na nakikita ko sa aking paligid na nakangiti at nagatatawanan, ang mga mata nilang kumikinang sa kasiyahan, natanto kong hindi pala lahat ng tao ay malungkot tulad ng aking naranasan, or maybe, they are just so brave to face their problems, ang mga mabibigat nilang nararanasan.
Seeing the people's smiles on their faces gaves me hope and encouragement to continue living even sometimes, I felt so lost, dahil alam ko, sa mga ngiti at mga tawang pinakapakita nila, merong nakatagong dilim ng nakaraan o karanasan sa kanilang buhay. Just like me, kahit malungkot, parang may kulang, nakakangiti pa rin. Wala namang mga taong walang problema diba? Walang mga taong hindi nakakaramdam ng sakit at pighati sa buhay, dahil sa buhay, lahat ng saya ay may katumbas na lungkot. Kahit nakakulong ako ng ilang taon sa aming bahay, ay kahit papano'y alam ko ang ibang takbo sa isang buhay.

Malungkot ako, pero andiyan na si Zaniel, hindi ko na napipilit ang mga ngiti at tawa ko kahit na ilang araw palang kaming magkakilala.

Even Mama gives me the things I want—except the things that she seems isn't good for me— pakiramdam ko talaga may kulang talaga. Hindi mapupuna ng magagandang damit at alahas ang kakulangang nararamdaman ko sa nagdaang taon.

Naghahanap ako ng kalinga ng isang ina at kahit ilang araw ko palang nalaman na meron palang isang ama ang isang tao, alam kong sa nagdaang mga taon, ramdam ko sa puso kong naghahanap ako ng kalinga galing sa isang ama. Mama is always busy, minsan, swerte na ang dalawang araw sa isang linggo na kami ay nagkikita, she's always busy with her work that I didn't even know what it is. Kahit alam kong palagi siyang busy ay alam kong hinahanap na ako no'n ngayon, dahil kahit palagi siyang wala sa bahay—ay ramdam kong mahal niya ako at mahakaga ako sa kaniya, pero masama na ba akong anak kung ayaw ko pa munang umuwi? Because I wanted to stay with Zaniel, even just in a few days.

Ganun na ba kagaling si Mama magtago? Palagi kong nakikita ang mga nagliliparang isang masayang pamilya ng mga ibon, ang mga naliligaw na asong nagpapatungan minsan sa bahay, pero hindi ko nalaman na para makagawa ng bata, kaylangan pala ng lalaki! Napasimangot ako sa naisip, ngayon ko lang narealize na itinuro pala iyan sa akin ng isa sa mga Propesor na pumupunta sa bahay. Kapag na-meet ni sperm si egg cell, doon na nagsisimulang mabuo ang bata sa loob ng tiyan ng babae.

Nahinto ako sa paglalakad ng nabunggo ako sa likod Zaniel na huminto na pala. He stopped from walking and looked at me irratated, magkasalubong ang dalawang kilay at matatalim ang tingin kaya kinabahan ako.

It's 7 in the morning and it's our birthday! Bumaba kami galing sa tree house na meron palang hagdan na mga kahoy rin, at meron itong harang at hawakan sa magkabilang gilid kaya hindi na masyado akong natakot bumaba, at isa pa, Zaniel is with me.

Napaigtad ako ng hawakan ako nito sa baywang, ang mga matatalim na mga tingin ay nakasentro sa aming paligid kaya napaangat uli ako ng tingin para sana tignan rin ito pero, hindi pa napupunta ang tingin ko roon ay nagsimula ng maglakad si Zaniel hawak hawak ang baywang ko.

We slept in the tree house, his sleeping angelic face stayed on my mind. Para itong ink na p-in-rint sa aking isipan at hindi na mabura bura. Sa sahig siya natulog at ginamit na banig ang isang comforter. His alluring angelic yet dangerous face makes my heart beats faster, as usual. Ang medyo nakaawang na mapupula niyang labi ay nakakaakit rin, ang mga mahahabang pilik mata at makakapal na kilay at ang nadedepina niyang panga ay parang kay sarap hawakan ay tumatak na sa aking isipan.

Nahinto ako sa pag-iisip ng taong nasa aking gilid ng may naramdaman akong nabunggo sa aking binti. Nanlaki ang mata ko at kaagad na kinabahan ng makita ang isang batang nakaupo at parang iiyak na dahil sa pagkababa ng magkabilang gilid nang kaniyang mga mapupulang labi.

Valen Series 1: The Alpha King Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon