•030•

845 30 7
                                    

¤▪¤▪030▪¤▪¤

"Omyghad naman Matteo! Nakakairita ka na! Wala nga iyon!"

Nagtataka akong lumapit kay Matteo at Jinny na abalang nagsisigawan sa isa't-isa. Si kierra naman ay parang nanonood ng movie at nampapakpak ng Milo. Umupo ako at pinanood ang dalawang hayop na nagbubuga ng apoy sa isa't-isa. Pinalo ko ang kamay ni Kierra para makiusisa.

Tinuro ko sila gamit ang mata ko. "Anyare?"

Kibit-balikat na nampapak si Kierra. "'Wan ko. Dumating na 'kong ganyan."

Dahil parehas na clueless sa pangyayari ay pinanood namin sila.

"Wala?"matteo laugh sarcastically. "Eh bakit mo din binigyan ng chocolate bars mo? Ni ako nga di mo binibigyan ng ganun!"

"Nag-aaway sila sa chocolate bars?"natatawang bulong ko kay Kierra. Pigil tawa syang nampapak ng milo.

"Argh! Naiinis ka dahil dun?! Edi bibigyan kita ng isang paketeng chocolate bars!"

"Ahh. So bibigyan mo ako ngayon dahil sinabi ko? Hindi tulad nung binigyan mo na binigyan mo lang. Akala ko ba ako gusto mo?!"

Namilog ang bibig ko sa prangka ni Matts. Wow. 

So brave!

"Tangina nang dalawang 'to. Ako na nahihiya sa kanila."bulong ni Kierra saakin at muntikan na akong humagalpak sa tawa.

"Oo. Ikaw naman kasi talaga! Bakit ka ba nagagalit sa chocolate bars eh di ka naman kasi mahilig duon?!"

"Pero kahit na! Sinabi mo nuon na di ka magbibigay ng kahit isang pulburon ng chocolate bars tapos binigyan mo sya!"

"Oh come on! Binigyan ko sya kasi nahihilo nga sya! Baka kulang sa blood pressure! Nagiging matulungin lang ako dito--"

"Yeah right. Pag ako nahihilo binabatukan mo ako."

"Sila na ba?"tanong ko kay kierra. Nagkibit-balikat lang ito saakin.

"Kasi nga close tayo. Unlike duon. Alangan batukan ko eh di naman kami close! Baka gusto mo akong mapa-principal,Matts!"

"Di ako naniniwalang mga 2nd year na 'to. Nag-aaway pa sila sa chocolate bars."bulong saakin ni Kierra.

"Ah so sasaktan mo nalang ako dahil close tayo? Ganun?"

Napasapo si Jinny sa noo nya.

"Gago,hindi! Argh! Halika! Bibilhan kita ng sandamakmak na Chocolate bars!"

"Kahit wag na. Ayos lang ako. Kahit sya nalang bigyan mo."pagdradrama ni Matts.

"Ibenta na kaya natin si matts,toni?"ani ni kierra.

"Approved ako dyan. Ako na gagawa ng transaction."

Hinawakan ni Jinny ang kamay ni Matts at hinila.

"Tch. Wala akong pakeelam duon. May mas pakealam ako sayo kaya halika na."inis na sabi ni Jinny.

"Sabing wag na--"

"Napakaarte mo. Tara na. Kawawa naman yung gusto ko nag-e-emote sa chocolate bars."

When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon