•026•

890 36 33
                                    

▪¤▪¤026¤▪¤▪

Nakalabas na ako sa hospital at nandito na din sa bahay. Naghahanap ng damit dahil papunta na din sa school. I really want to try that cropped top tshirt kaso parang di tugma na manliligaw ako kay Astral. I should look like a man,at least for her.

Kaya naman nagsuot nalang ako ng t-shirt na black at isang varsity jacket. Simple lang ang ginawa ko dahil sa tingin ko babagay ito kapag katabi ko sya.

And duon lang napaghalata ng iba na gusto ko si Astral. Maybe dahil bakla ang kilos at ang pananamit ko minsan ay baka isipin nila na magkaibigan kami. Which i hate it!

I want to let them know na gusto ko sya! Pero natandaan ko din na di ko pa din sinasabi sa mga kaibigan ko. Hindi naman sa ayaw ko, im just really shy to tell them and scared dahil baka ang pagawan lang nila ay mapalapit sa kanila si Astral.

Damn it. Wala pang kami pero wagas ko na syang angkinin.

Maglalagay sana ako ng liptint kaso naisip ko na manliligaw ako! I dont think magandang maglagay ng liptint. Im the man in this relationship!

Ayaw mang iwanan ang makeup ko ay sa tingin ko kelangan. Pero just a little liptint. I feel so naked without this.

Umalis na ako at medyo may hiya sa muka. Just wearing a liptint and that's all! Hindi ako sanay na walang makeup sa muka.

Napakagat ako ng labi at sa totoo lang ay kinakabahan ako sa sasabihin ng iba saakin. I look like a man.

But at the same time i want others to accept us. Who wants a gay like me for her? Gusto kong patunayan na karapat-dapat ako sa kanya.

Umalis na ako pumunta sa school,medyo naninibago dahil sa itsura ko ngayon. Pakiramdam ko lahat ng tao nakatingin saakin. I saw some girls murmuring and eyeing on me. Wala namang akong problema pero pag boys omyghad. It makes me feel nervous!

"Toni--what the heck happen to you?"nakasalubong ko si Jinny na ngayon ay nakataas ang isang kilay habang ang mata'y gulat na gulat. Mabilis akong umiwas ng tingin at napahawak ng mabuti sa laylayan ng damit ko.

Laglag panga itong baba't taas ang tingin saakin. Napapikit ako sa hiya at napakagat ng labi.

"W-woah."tanging sabi nito ng makita ang buong ayos ko. Wearing just a liptint parang pawala na din sa labi ko. T-shirt na black at varsity jacket--this is not really me.

"A-alis,pupunta akong room!"nahihiyang sabi ko dito at tinulak sya. Hinila nito ang kamay ko at mangha ang matang tumingin saakin.

"I really can't believe na gagawin mo toh."manghang sabi nito at binitawan ko ang pagkakahawak nya saakin.

"A-ano bang pinagsasabi mo Jinny? Nababaliw ka na."iling na sabi ko at kumurba agad ang ngisi sa labi nya. Nakaramdam agad ako ng kaba dahil natatakot sa husgang sasabihin nya saakin.

"Legit,ang gwapo mo,toni. Bakit ka biglang nagbago?"seryosong tanong nito saakin and lean over. Umiwas uli ako ng tingin dahil hindi ko din alam kung ano din ang sasabihin sa kanya. Ayaw ko namang isikreto si Astral. But i also want to keep this to myself. Marami pa akong bagay na kelangan matutunan gamit ang sarili kong paa.

"Natripan ko lang. Wag kang ano."irap kong sabi dito at ramdam pa din ang ilang sa sarili. Talking to someone looking like this. It's weird.

Umayos ito ng tayo at tumango nalang. "Natripan?"confused nitong sabi at mabilis akong tumango sa kanya. Bumuntong hininga lang ito at napasapo nalang.

"Sige. Natripan mo lang."walang ganang tugon nito saakin. Tila di naniniwala sa sinabi ko. Nagumpisa itong maglakad at sumunod ako sa kanya.

"Totoo nga! Natripan ko lang!"

When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon