•019•

816 41 17
                                    

¤▪¤019¤▪¤

Nakaupo na kami at talagang sa mismong lagi naming pinaguupuan. Gusto ko magisip ng malisya pero alam ko naman na di nya magagawa iyon.

"Order muna ako. Ano sayo toni?"

Nalimutan nya na ba yung kinakain namin dito? Of course toni. Baka coping nya to sa move on. Pero mas maganda din siguro kung palitan ko na din para naman talagang malimutan na ako.

"Umh yun pancit bihon nalang."nakangiting sabi ko. I saw him flinch but acted ok. Lagi kasing batil patong ang order ko. He knows na fav ko yun. But it's the time to change!

"Oh sige. Batil patong saamin."

Tumango nalang ako. Naiwan kaming dalawa ng gf nya at super..awkward.

"Uh kailan pala naging kayo Gevia?"masayang sabi ko.

Mukang nataranta sya sa tinanong ko pero kinalma din ang sarili. "Uh..bago lang.."

Tumango ako.

"M-mahal mo pa ba sya?"

Medyo nagulat ako sa tanong nya. Is this ok na tanungin ng current girlfriend nya? Baka gusto nya lang makasiguro.

"Uh.."tumingin ako kay Navis na nagoorder palang. I know na wala na. Ngayong nakikita ko sya ay gusto ko lang na sumaya sya. Walang halong pait kundi kasiyahan lang na ok na sya.

Malungkot akong ngumiti na humarap sa kanya.

"Wala na."

"Ang bilis naman,"ngiti nito. I chuckled. Di naman nakakatawa pero totoo nga na mabilis.

"I fell out of love. Medyo masama noh?"

Umiling ito. "Hindi naman. Kaso ngalang sana pinagbutihan mong alagaan."

Bumagsak ang balikat ko duon at tumango dahil tama sya. I glanced at Navis.

I shouldn't been more caring. I shouldn't been more careful with my feelings. Na dapat inalagaan ko. Na dapat hindi ko hinayaan na mawala.

"Navis is a good man. Sweet, medyo maloko at talagang gentleman. You're very lucky."makahulugan na sabi nya na may himig na kalungkutan.

"But you're also lucky! Boyfriend mo sya. Kaya sana wag mo akong gayahin. Treat him well, message ng ex-boyfriend."i chuckled to light up the mood.

"I wish i can.."

Napatagilid ang ulo ko duon. Anong ibig sabihin nya?

Magsasalita sana ako kaso dumating si navis at umupo sa tabi nito. Hinalikan nya si Gevia sa pisngi at namula naman ang pisngi ni Gevia. Medyo nagulantang pa ako dahil sa mismong harapan ko pa. Parang tuloy gusto ko idala si astral dito. Psch. Wow. Naninigurado ka ba talaga sa feelings mo selp?

Tumingin si Navis saakin na para bang naghahanap ng reaksyon sa muka ko. Ok. Ano bang ginagawa nya?

"'Batil Patong' for you baby,"malambing na sabi nya kay Gevia at mukang umayos naman na si Gevia.

When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon