¤▪¤013¤▪¤
"So magkilala pala talaga kayo?"tanong ni Jinny. Sinipat ko sya at ngumisi lang ito.
"Muka ba talaga akong nagsisinungaling?"gigil na tanong ko. Humalakhak ito saakin.
"Alam mo ang ganda mo!"biglang puri ni Kierra. Umawang lang ang labi ni Astral at para bang wala na sa kanya ang ganung puri. Tumango ito.
Palihim akong umirap. Palibhasa sanay makarinig ng ganuon.
"Ikaw din,"sabi nito para magsalubong ang kilay ko. Bat never nya pa sinabi na maganda ako?!
Para namang tangang kinilig si Kierra at sinundot-sundot ng tagiliran ko! Sa inis ko eh sinabunutan ko sya at umaray lang pero tumawa. Bakit ba ako may mga baliw na kaibigan?
"May boyfriend ka na miss?"tanong ni Matteo. Mabilis kong kinagat ang dila ko dahil baka may masabi pa ako na di maganda!
"Wala."
"Alam mo single ako,"komento ni Matteo para mapainom agad ako! Si kierra naman ay nandiri sa confidence ng mokong na toh at si Jinny naman ay napapikit sa sobrang kakornihan.
"Ok,"tanging sagot ni Astral para matawa kaming tatlo. Ngumuso si Matteo at mukang napahiya sa sagot nito.
"Yan kasi ang landi-landi!"si jinny.
"Talaga tong payatot na toh,"i murmered while laughing. Boset na Astral toh. Ang ganda ng sagot eh.
Tumagilid ang ulo ni Astral. Walang emosyon at blanko ang tingin ngunit parang may hinihintay.
"Wala bang nabanggit si Toni sainyo?"biglang tanong nito para manlaki ang mata ko at mapainom agad ng tubig! The hell?!
"Huh?ano naman yun?"takang sabi ni Jinny.
"That we--"
"Alam na nila na tutor kita,"mabilis kong agap at ngumiti sa kanila. Kumunot ang noo ni Astral.
"No, that's not it--"
"Ah! Alam na din nila na ikaw yung sumuntok sa brain cells ko,hehe,"sabat ko agad at nanginginig na tumawa. She look at me with clueless face. Sinipa ko ang paa nya sa ilalim.
Umawang ang labi nito at mukang nagets na din at tumango. Nagmamakaawa ko syang tinignan.
"Yes. That."tanging sabi nya at napabuntong hininga ako. Omyghad this girl!
"Ay naku! Buti nga ginawa mo yun. Sana pinukpok mo nalang din ng martilyo!"biro ni Kierra at nagtawanan ang dalawa. Nakisali naman ako kahit halatang pilit at ayun na naman yung ngiti ni Astral na mukang prinoprocess kung nakakatawa ba yung joke o hindi.
Ngumisi saakin si astral di pinapansin ang iba na nagsasalita at nagkwekwento. Ngisi palang nya alam ko na mang-aasar na sya!
Nakisali naman ako sa kanila para maibsan ang ilang sa kanyang tingin at takot na magsalita sya.
"Oo nga eh,"tawa ko nalang kahit sa totoo lang ay wala na akong maintindihan sa sinasabi nila. Tanging titig lang ni Astral ang pumapasok sa sistema ko. Masyado akong naiilang at kinakabahan sa titig nya. Napahawak pa ako sa kamay ko at pinisil dahil ramdam ko ang panginginig nito.
BINABASA MO ANG
When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)
Narrativa generaleSi Antonio(aka Toni) ay sumama sa kanyang mga kaibigan para medyo makalimot sa kanilang break up ng kaniyang boyfriend. Pero sa di inaasahan na pagkakataon ay may isang babaeng nagyaya na makipagtalik sa kanya. At di nya alam na sa babaeng iyon ay...