•021•

902 41 20
                                    

¤▪¤021¤▪¤


Lumiit ang mata ko ng nakita ang text ni Astral. Naninibago at parang di makapaniwala na wow, sya ang unang nagtext.

From Astral:

See you in school.

Kaso nga lang hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil napakapormal iyon. Yung tipong alam mo na wala kang marereply kundi 'ok' o 'sige!kita tayo mamaya'.

Depende nalang talaga kung makapal ang muka mo.

Me:

K

Napapikit ako ng isend ko iyon dahil baka malamigan sya sa reply ko? Pero ano pa bang ireireply ko!? Argh!

Binababa ko nalang ang phone ko at nagbihis papunta sa school. Dahil magkikita kami ay dapat ready naman ako. I take one of my baby pink t-shirt na may design na ghibli art. I top it with a checkered and a black pants with a white sneakers. Sinuklay ko ang buhok ko at natripan na ibaba iyon para magkaroon ako ng bangs.

Isa sa mga dahilan kung bakit ko tinataas ito dahil for some reason mas dumadagdag ng mga admirers kong babae. As in. Nakikita ko nalang yung mga love letters sa loob ng locker ko o kaya sa nakapatong sa libro ko kapag bibili ako ng juice or food.

My deep set eyes, straight pointed nose and a thin cupid lips. Kaya minsan di ako pinagkakamalan na bakla dahil ang gwapo ko daw. So?porque gwapo bawal na bakla. Duh.

My eyes defined ng bumababa ang brown kong buhok. Napanguso nalang ako dahil muka akong lalakeng-lalake. Nakakanibago lang pero dahil bagay sa outfit ko ang cute boy ay kelangan.

Nagsuot na din ako ng harry potter eyeglass.

Tinignan ko ang kabuuan ko at ok na.

Pumara na ako ng jeep at bumyahe sa school.

Pumasok na ako sa campus at dahil mamaya pa ang klase ay pumunta ako sa tambayan na alam kong nanduon ang mga unggoys. Napangisi nalang ako ng maisip na aasarin nila ako dahil sa buhok ko.

"Woah! Antonio is that you?"mapang-asar na bungad saakin ni Kierra ng makita akong lumalapit sa kanila.

Inismidan ko nalang sya at umupo na. Nilabas ang libro at pinunta sa page kung saan mamaya ay baka madiscussed.

Manghang nakatingin si Jinny saakin samantala si matteo ay umiiling.

"Dyusko. Iyan na ba yung effect kapag--"

Mabilis kong sinipa sa paa si Kierra dahil alam kong babanggitin nya iyon! Ingrata talaga ang babaeng ito. Akala ko nalimutan nya. Nyemas.

"Aray naman!"daing nito.

"Bakit sumanib si Antonio sayo? Nakow. Baka marami na naman tayong love letters na babasahin ah!"nakakalokong tawa ni Matteo at suminangot na ako.

"Mga punyeta kayo."

"Hala sya. Bakit mo kasi binababa buhok mo? Last time na ganyan eh dumami admirers mo."si jinny.

"Oh pake ko sa admirers ko? Mapapakain ba nila ako?"

"Tahong maybe?"ngising sumbat ni Kierra para mapaubo ako!

"Eewwww!"kadiring sabi ko dahil kadiri talaga. Kay astral pa pwede pero sa iba? No way.

"Luh parang di nakatikim ng tahong oh!"natatawang sabi ni kierra na ikinahinto ko at ikinagulat ng dalawa. Sing bilis pa ng kidlat ang pagbaba ng kanilang mga bibig at paglaglag ng panga.

When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon