•014•

941 49 18
                                    

¤▪¤014¤▪¤

"Huy!"

Muntik akong mapasigaw dahil sa biglang pagsigaw ni Kierra sa mismong tenga ko!

"Putek,hindi pa ako yung sinisigawan Jinny eh ako na ata yung nabingi!"inis na sabi ni Matteo at pinasok ang daliri sa loob ng tenga nya.

Sinamaan ko sya ng tingin at nakapameywang itong nakaharap saakin.

"Meh problema ka ba? Kanina ka pa nagmumuni-muni dyaan at parang wala sa sarili,"maarteng sabi nito. Umiwas kaagad ako ng tingin at pinokus ang tingin sa librong hawak ko.

"May test kasi kami kanina. Natatakot ako na baka bagsak ako,"pagsisinungaling ko. Baka magulat sila pag babae ang iniisip ko.

"Aysos napakagrade-conscious mo. Kami nga oh?chill,chill lang. Ok lang maka-75 kahit bumagsak,"umiiling na nakangiti na ani ni Matteo at nilaro ang ballpen. Umirap ako sakanya. Yan naman lagi ang sinasabi ng mga Engineering students. Ok na maka-75, masaya na sila duon.

"True!"tinaas pa ni Jinny ang palad nito at nakipag-apir kay Matteo. Para silang tangang tumatawa.

"Hah!kami nga puro reporting nalang at thesis. Mabadtrip nakun,"stress na sabi ni Kierra at nagkwentuhan na sila. di naman na nila ako pinansin dahil pansin nila na wala talaga ako sa mood.

Masyadong occupied yung utak ko kay Astral. Wala sya ng dalawang araw,i heard na sinali daw sya isang contest or chuchuness. Aaminin ko na namimiss ko sya. Kahit anong deny ko eh di ko naman maiwasan iyon.

Sino bang hindi makakaisip sa kanya pagkatapos nyang hawakan ang kamay ko! Pagkatapos nya akong hilain papalapit sa kanya! Tapos hinatid sa mismong room ko. Talo nya pa ang boyfriend eh.

Namula agad ang pisngi ko ng maalala lahat iyon. I know. Masyadong iba kapag naghawak na kami. Yung tipong lahat ng balahibo mo magsisitaasan. Yung mapapahinto talaga yung hininga mo. Yung mapapasinghap kanalang at mamumula kapag sisilip sayo.

Lahat ng ginagawa nya pinapakaba ako!

"Hala grabe sila sayo Toni oh!"

My mind snap and look at them. "Ah oo nga eh."sabi ko nalang kahit wala talaga akong naintindihan sa sinabi nya. Kumunot ang noo ni Jinny at nagtawanan ang dalawang mukong.

Uh...why?

"Putek inamin nya na muka syang tubol,"tawa-tawang sabi ni Kierra saakin. Nagsalubong agad ang kilay ko at galit na humarap sakanila.

"Anong sabi mo saakin?!"

"U-umu-oo ka na.."mas malakas itong tumawa,"na tubol ka?"humalakhak ito saakin.

"H-hindi ko narinig!"

"Wala--wala! Tubol ka!"asar ni Matteo saakin at napasimangot agad ako. Ito talaga ang mahirap kapag wala ka sa sarili at baliw pa mga kasama mo.

"Wow,nagsalita ang toothpick at mental."

"Hoy-hoy! Inosente ako dito tumawa lang ako!"

"Anong inosente?kung may inosente man ako yun,siraulo!"sabay batok ni Jinny kay Kierra.

Inirapan ko lang sila at di na inimikan. Nagtatalo ang tatlo kung sino ang inosente at maglalaron ng laro kung sino ang panalo. Ang talo daw ay manlilibre. See?ako lang ang matino!

When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon