•022•

863 44 20
                                    

¤▪¤022¤•¤

"Oh bakit puyat ate girl?"

Tamad ang talukap kong napakurap sa komento ni Kierra. Umirap nalamang ako at di sya pinansin. Sinong di mapupuyat sa kakareview?nakakatamad magsalita at nakakatamad mag-isip ng sasabihin.

Idagdag mo pa na yung nangyari saamin duon sa restaurant na iyon. Nakita ko lang naman yung ex nya.

Ewan ko at nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko. Dahil napakalalake nyang tao. While me? Nagkagusto sya sa isang kagaya ko. Gusto kong magselos pero pagtatanungin ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganuon ay parang may umuurong saakin.

To be honest,di ko na nakikilala sarili ko. I feel like something inside me is growing. That feeling that buried deep down and now trying to creep in again.

Its scary to know. It's scary to feel.

"Ready ka na ba mamaya duon sa party?"

Napakurap ako at ngumiti nalang.

Tumango si Kierra dahil alam nyang wala ako sa mood ngayon.

"Girl. Ang gwapo ng syota ni Astral noh? Gusto ko nga sana magjoke kaso katakot sya."sabay tawa nito. Sobrang pagod kong binuksan ang libro ko at umay na umay na akong makita yung mga letra.

Kagabi pa ako nagrereview. Kaso bawal bumagsak. Kaya babasahin kitang libro ka.

Idagdag mo pa na naiirita ako kapag naalala ko yung ex nya. Napaka-kapal ng muka eh. Bwiset.

"Alam mo yung di ka nalang magtataka kasi sobrang gwapo nya?"

Tumango nalang ako. I concentrate myself into my book and just fly away with my thoughts.

Mas magandang mag-focus sa book kaysa sa babaeng ito.

"Oyy!!"

Tumagilid ako dahil dumating na naman ang magulo. Si Matts. Walanya. Mag-iingay lang tong dalawang toh. Porque katatapos lang nila ng quiz eh pachillaks na eh.

"Oy! Tootspi-patutsi!"si kierra at nakipag-apir pa.

"Oy! Bomb-bungera!"si matts. Dyusko.

"Oh. Di mo na naman tinaas yang bangs mo."komento ni matts at mabilis nyang nakuha ang atensyon ko. Napahawak ako duon at binelatan lang ito.

"Selos ka ta baka maangasan kita sa mga admirers?"mapang-asar na sabi ko at iritado itong umupo.

"Can you touch me down there Antonio!"malanding sabi ni kierra at dinaan ang kanyang daliri sa aking muka.

Halos magising ako at mawala ang tulog ko sa ginawa nya.

"Yuck!"tili ko at lumipat kaagad sa tabi ni matteo. Tumawa lang ang dalawa samantala ako ay takot pa din.

Putangina talaga nitong dalawang toh!

"Ka-kadiri ka!"mangiyak-ngiyak na sabi ko at lumaki lamang ang butas ng ilong nito. Mukang may iyayabang na pang-asar. Pinandilatan ko agad sya dahil alam ko din naman!

When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon