•04•

1K 47 45
                                    

¤▪¤04¤▪¤

Para bang babaliktad ang tyan ko sa kaba. Konting minuto nalang ay mag-a-alastres na.

Kahit tapat ang electric fan saakin eh pawis na pawis ako. Pakiramdam ko tutok na tutok ang araw saakin at namimilipit ang tyan sa kaba. Para akong masusuka. I gulped.

"Sir! Natatae na ata si Toni oh!"sigaw pa ng walang kwenta kong kaklase!

Sinamaan ko sya ng tingin pero tinignan nya lang ako ng may pag-alala. Di ko alam kung nanadya ba itong babaitang ito o ganyan talaga sya.

Tumawa lahat ang mga kaklase ko.

"Di ka na makapagpigil?"asik pa ng isa,sinamaan ko sya ng tingin.

"Sige na Mr. De Guzman,punta ka na mag-cr,"lokong sir toh ah.

Dahil sa sobrang irita at pagpapahiya ay tumayo ako at umalis. Taas noo pa ako kahit talagang namamawis ako. Feel ko tinakbo ko yung oval namin dyaan eh. Makabwiset na yan.

Pumunta agad ako sa cr at buti nalang at walang tao. Gamit ang kamay ay pinaypayan ko ang muka ko at huminga ng malalim. Come on,toni. You can do this. Makikipagkita kalang. Magkunyari kanalang na gulat kahit muka ka ngayong constipated.

Mabilis kong inayos ang muka ko. Naglagay ako ng powder sa muka at idinab iyon,pagkatapos ay kinuha ko ang liptint ko at naglagay ng konti sa bibig,inayos ko din ang kilay at pati ang buhok ko. Ayan! Muka na akong tao.

"You can do this."bulong ko sa sarili ko.

Taas kilay akong naglalakad at pumunta sa main gate at para bang huminto ang mundo ko ng nakita sya duon,nakasandal sa gate at sa malayo ang tingin. Nakapamulsa pa ito.

Kumalabog agad ang dibdib ko at naiimagine ko na naman iyong nangyari saamin. Umiling kaagad ako. Tignan mo nga sya oh!parang walang pakeelam! Dapat ganyan ka din!

Kahit parang madadapa na ako sa kaba at parang tatambling sa takot at nilakasan ko ang loob ko. Sinampal ko pa ang kamay ko dahil nanginginig iyon!

Dahan-dahan tumaas ang talukap ni Astral ng makitang nasa harap nya ako. Napataas ang dalawang kilay nya at namilog ang bibig nito,at ako din ay nagkunyari. Tsk! Bat walang kwenta ang reaksyon nya! Para bang sobrang tamad ng expresyon nya na pati gulat eh tinatamad na ding magulat!

Nanlaki kunyari ang mata ko at napahakbang paatras.

"Ikaw na naman?!"kunyaring gulat na sabi ko. Tumagilid naman ang ulo nya,iniisip kung bakit andito ako sa harapan nya pero mukang na-realize nya na ako ang itutor nya. Ano ka ngayon?

Tumango ito. "Ikaw yung itutor ko."

My heart flip because of her goddamn voice!napakalalim! Para syang lalakeng nagsasalita. Its sounds so sexy.

Napatakip kunyari ako ng bibig. "Omyghad. Why? Sabi ng kaibigan ko.."

Saan oscar ko? Saan?

"Nirecommend ka saakin--hindi ko alam na ikaw iyon!"kunyaring natatarantang sabi ko. Pero wala pa ding reaksyon ang muka nito. Ngumisi naman sya pero sobrang hilaw.

"Ayaw mo bang itutor kita?"may himig na pang-aasar duon. Mabilis ko syang tinignan ng masama. Ngumisi iyon.

"Ayaw syempre!"gigil na sabi ko.

When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon