•05•

1.1K 51 35
                                    

¤▪¤05¤▪¤

Tapos na ang pagtuturo saakin ni Astral at isinara nya na ang kanyang libro. Agad naman bumusangot ang muka ko ng inayos na nya ang gamit nya. Sumulyap ito saakin pero binalik din agad ang tingin sa kanyang mga gamit at umiling.

Tumikhim ako. "Kailan uli yung umh..pagtuturo mo?"

"Hmm,"shit naman! Kelangan nya pa bang gawin nyan?!di nya ba alam na ang dami kong naalala sa isang 'hmm' nya?!

Tumikhim uli ako at napaubo dahil naalala ko talaga yung scene na iyon! That was when i pinned her to the wall and enter her...

Nagtaka ito pero din rin pinansin. "Maybe pag Thursday nalang."

"Bakit thursday? Di ba pwedeng bukas?"agad kong tanong.

Kunot noo naman syang tumingin saakin. "Why? You liked me so much that you can't wait on Thursday?"

Nanlaki naman ang maya ko at nag-init agad ang pisngi ko! Napaka-kapal naman ng muka mo!

"Di ko alam kung saan mo nakukuha yang ganyang confidence mo,"ngiwing sabi ko at ngumisi lang sya. Inirapan ko nalang sya at feel ko sasabog ang muka ko sa sinabi nya. Napakalakas ng apog eh.

"Halika na."sabi nito at tumayo.

"Sasama ako sayo?"

Tinignan ako nito at tumingin sa left and right at huminto saakin. "Gusto mo din mag-isa dito?"then she shrugged. "Fine by me."

"Teka!"huminto ito at ngising tumingin saakin.

"Eto na,"ngusong sabi ko at sumunod sa kanya. Tumingin pa ako sa likod ko dahil feel ko talaga may hihila nalang bigla saakin! Naglalakad na kami papunta sa talagang lib pero eto pa din ako at nanginginig at di mapakaling tumitingin sa likod ko.

"Ump!"

Napasubsob pa ako sa likod ni Astral dahil bigla nalang syang huminto!

"Aray!"singhal ko and she turned around with those soulful eyes,making me my spine shiver.

"Mauna ka."tipid nyang sabi at tumagilid. Nagtaka naman ako at parang tangang nagdududa sa sinabi nya. Bakit? Anong gagawin nya habang nakatalikod ako?

Mukang napansin naman nya ang tingin ko kaya nagsalita sya. "You look scared. Don't worry,wala akong gagawin behind your back. Im just protecting you."

Para bang nag-init ang puso ko sa sinabi nya. Umiwas agad ako ng tingin at umirap nalang at sumunod sa sinabi nya. Bahagya pang namula ang pisngi ko sa sinabi. Proprotektahan ako? Hah!

Di naman ako kinilig,like why? Like wtf? Like ewwww!

Walang imik akong naunang naglakad sa kanya,kahit anong gusto ng mata ko na tumingin sa likod ko ay pinigilan ko ang sarili ko. Baka mamay ay mang-asar na naman ang gago saakin. Nakalabas na kami at wala parin akong imik.

Huminto ako at ganun din naman sya. Humarap ako sa kanya.

"Umh,thursday?"awkward kong sabi at namula agad ang pisngi ng nakita ang mata nya.

When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon