Maaga akong nagising at may ngiti sa muka. Sino bang hindi kung malalaman na mo na gusto ka din ng mahal mo?
Di ko mapigilang mapasayaw habang nakatanaw sa bintana. Pinagmasdan ang pabungad ng hanging araw sa kapaligiran. Bahagyang natamaan ang aking muka pero di inininda dahil sa sobrang tuwa.
"Gusto din nya ako,gusto din nya ako."paulit-ulit na sabi ko at napatalon habang nakatakip sa muka. Pilit kinakalma ang sistema na sumabog sa kilig.
Napatili ako at talagang kinokontrol ang sariling tumalon. Masakit pa kasi ang paa ko dahil sa nangyari kahapon. Nalimutan ko na ding nabugbog ako dahil sa simpleng halik sa noo ni Astral. Di ko alam na pwede pala yun.
And besides nasa kulungan na ata sila. Sa ngiti palang kahapon ni Astral alam kong may nangyari ng masama sa kanila. Or siguro nakulong talaga.
Nakakatakot palang magalit si Astral.
"Dalhan ko kaya sya ng bulaklak?"i blurted out at kasabay nun ay biglang pagsigaw ng pintuan para mapatalon ako at mapatili.
"Putangina Toni!"biglang yumukap ang mangiyak-ngiyak na muka ni Kierra saakin. Sumunod si Jinny na halos mabasa ang muka sa iyak at si Matteo na pigil ang luha.
Napaubo ako dahil halos malamon ko ang tili sa biglaang pagyakap ni Kierra saakin. Si matteo at Jinny ay sumabay na din at niyakap ako. Kinabahan agad ako kung narinig nila ung sinabi ko pero mukang hindi dahil mas nag-aalala sila saakin.
Bigla silang umiyak ng malakas.
"A-ano ba taena! Umalis kayo di ako makahinga--"mas hinigpitan pa nila ang yakap para matamaan nila ang isang bukol ko sa likod para mapaiyak na din ako sa sakit.
"A-akala namin mamatay ka na--"di natuloy ni kierra ang sinabi nya dahil mas naiyak pa sya. Ako naman ay halos lumuwa ang mata dahil ramdam ko na kakapusan na ako ng hininga.
"Bat ka kasi alis na alis huh?!"si matts.
"P-putangina d-d-di ako makahinga--"
"Alam mo bang sobra kaming alala sayo?!"
Ng mauubusan na ako ng oxygen ay kumuha ako ng natitirang lakas ko at tinulak silang tatlo. Nagtagumpay naman agad ako duon at mabilis pa sa segundo ang pagbukas ng bintana at kumuha ng hangin.
Halos lumaki ang butas ng ilong ko pero wala akong pake dahil wala naman si Astral at talagang muntik akong mawalan ng hininga.
Humarap ako sa kanila na mangiyak-ngiyak ang muka habang sila ay talagang umiiyak na.
"Balak nyo ba akong patayin!"gigil na sabi ko sa kanila at napahawak sa leeg. Talagang sinakal ako eh. Talaga eh!
Nanginginig na lumapit saakin si Kierra. Napakunot ako ng noo. Tumulo uli ang luha nya .
"So-sorry,akala kasi naman...akala namin.."tinakpan nya ang kanyang muka gamit ang kanyang palad at umiyak. Nanlaki ang mata ko at bahagyang natigilan.
Naguilty naman ako sa biglaang paglapit ni Matteo sa kanya at mangiyak-ngiyak ding binababa ang mata. Si jinny naman at tinangala ang ulo para di lumandas ang luha sa kanyang muka.
Of course. Malamang nag-alala sila saakin.
Lumapit ako sa kanila at niyakap si Kierra. Ganun din si Jinny at Matteo. Mabilis akong niyakap ni Kierra at ganun si Jinny. Si matteo naman ay sinandal ang muka sa aking balikat habang pigil na umiiyak.
Di ko mapigilang maluha din.
"S-sorry.."ang tanging lumabas sa labi ko dahil wala akong masabi. Tumango lang sila at mas napaluha pa. Dun ka lang din narealize na nakakatakot pala talaga yung nangyari saakin. Na muntik nga talaga akong namatay. Na di talaga iyon panaginip.
BINABASA MO ANG
When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)
Ficción GeneralSi Antonio(aka Toni) ay sumama sa kanyang mga kaibigan para medyo makalimot sa kanilang break up ng kaniyang boyfriend. Pero sa di inaasahan na pagkakataon ay may isang babaeng nagyaya na makipagtalik sa kanya. At di nya alam na sa babaeng iyon ay...