¤▪¤07¤▪¤
Para akong tangang umiiyak. Nakaubos na ako ng dalawang box ng tissue,kanina pa bigay ng bigay si Astral ng tissue saakin at sobrang naguguluhan kung bakit hanggang ngayon ay umiiyak pa din ako.
Nagbigay uli sya ng isang tissue at kinuha ko iyon at dinab sa mata ko. Parang waterfalls itong luha ko. Hindi tumigil-tigil sa pag-agos eh. Muka na akong walking eyebag.
"Wala ka manlang bang sasabihin?"hikbing tanong ko sa kanya. Ngumiwi ito at umiling.
"Wala ka talagang kwenta,"my voice broke and i sobbed more.
Ang sakit..ang sakit-sakit.
"Umh..you look shit,"matabang na sabi nito at mabilis ko syang pinalo sa kanya. She mouthed 'aray' and look at me with confused eyes again.
"Alam ko! Talagang ipapamuka mo?"iratang sabi ko. Pinunasan nya ang nagbabadyang luha sa mata ko at mas napaiyak pa ako. Naninikip ang dibdib ko sa tuwing naalala ko ang pagmamakaawa ni Navis saakin.
Pero anong magagawa ko? Mas masasaktan sya pag pinilit pa namin ang ganito.
"Bakit ka kasi nakipagbreak?"
Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matutuwa sa tanong nya. Maiiyak dahil boses palang ay halatang hindi na interesado. Matutuwa dahil may lumabas na din na maayos sa bibig nya.
I sobbed. "Dahil sayo!"
Tumaas ang dalawang kilay nya at sa
tingin ko gulat sya.Bwiset na toh,pati ba naman expresyon controlado pa din?!
"Hala,ba't saakin?"inosenteng sagot nito. Sharp glared throw at her.
"Dahil sineduce mo ako! May boyfriend ako nun--"
"Ex mo sya nun. Break kayo diba?"
"Kahit na. Dapat di mo ako pinagsamantala!"
Umiling ito saakin. "Lasing na ako ng may nangyari saatin. Kung may naalala man ako yun na yung pangalang gagawin natin."
"So..."ngumiti ito ng matamis. I gulped hard. "Sino kaya ang nagsamantala?"
Marahas akong bumuntong hininga at parang nawala na agad ang pagtulo ng luha ko sa usapan natoh!
"Naguguilty ako! Tuwing nakikita ko sya pakiramdam ko nanloloko ako sa kanya. Dahil sa nangyari saatin ng gabing iyon... kahit break kami nun,dapat hindi ko padin iyon ginawa."
Her head tilted. "Bakit hindi mo kasi sabihin sa kanya?"
Agad akong napatingin sa kanya. "How?! On my whole life i never--ever! Tasted a girl. At alam nya iyon. Alam nyang hinding-hindi ko gagawin iyon,pero.."
Nanikip agad ang dibdib ko at nakaramdam ng init sa sulok ng mata ko. Parang may bumara pa sa lalamunan ko para manakit iyon.
"So magsisinungaling ka?"tanong nito na ikinatahimik ko.
Umiling ito at ngumiti. Yung ngiting di interesado. "Kahit anong gawin masasaktan mo sya. Kaya ano pa yang pasikot-sikot mo?"she sighed. "Gagawin mo syang tanga kakaisip kung bakit kayo maghiwalay. Just tell him the truth. Siguro hindi ka nya maiintindihan at magagalit sayo pero atleast alam nya yung dahilan."she said.
BINABASA MO ANG
When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)
Fiction généraleSi Antonio(aka Toni) ay sumama sa kanyang mga kaibigan para medyo makalimot sa kanilang break up ng kaniyang boyfriend. Pero sa di inaasahan na pagkakataon ay may isang babaeng nagyaya na makipagtalik sa kanya. At di nya alam na sa babaeng iyon ay...