▪¤▪¤032¤▪¤▪
"Wow! Ako ba talaga 'to?"halos lumuwa ang mata ko ng makita ang muka ko na nakadisplay sa art gallery sa school. Malaki ang ngiti ni Astral na tumingin saakin.
Parang wala akong pores sa painting na 'to! Pakiramdam ko parang nilabas yung muka ko sa renaissance period. Nakangiti ang muka ko duon. I look so very pretty!
"Ang ganda ko dito!"natutuwang sabi ko habang nakaawang ang bibig. Like...really! I look very very pretty! Mas nadepina pa ang ilong ko duon pati ang sharp ng jaw ko.Mukang ginaya pa ni Astral ang muka ko ng araw na minake-up-an nya ako. May eyeliner at kaunting brown at peachy duon. Even my cheeks looks pink but wet. My lips have this shimmer gloss in the painting. Damn it. Parang nilagyan ng filter 'yung muka ko dito!
Alam kong ako 'to pero pwede ganito yung muka ko everyday? Pakiramdam ko isa akong royalty sa itsura ko. I look so expensive.
"I just did add some detailed parts,Toni. Mas gwapo ka pa din sa totoo."pambobolang sabi nya at akong gaga ay nauto naman. Agad namula ang bibig ko. I pursed my lips.
"Paano mo 'to nagawa? Ang ganda talaga Astral. Ibebenta mo ba 'to? Mahalan mo muka ko 'to,"mahabang sabi ko at tumawa sya.
"I'm not gonna sell this. It's my favorite piece!"
Sumilay agad ang mapang-asar na labi sa muka ko.
"Muka ko kasi 'no? Mahal na mahal mo talaga ako?"pang-aasar ko dito at umiling-iling sya sa kayabangan ko.
"I'll display it to my condo."ani nito.
"Speaking of condo. Never pa akong nakapunta duon. Kailan mo naman ako ipapasyal? Lagi nalang sa akin."sa huli ay napangisi ako sa naisip.
She narrowed her eyes. "Di ko gusto ang patungo ng utak mo,Toni."
Inosente ko syang tinignan kasabay ng pag-aayos ko ng nahulog na hibla sa mata ko.
"Bakit? Anong meron? Lagi ka sa bahay ko pumupunta. Iyon lang. Wala pa tayong memories sa inyo--"
Bigla nitong pinitik ang noo ko para matawa ako bigla.
"Lagi mo akong pinapagod. Sa susunod na pupunta ka sa bahay ko uupo lang tayo at walang gagawin ni isa."matigas na sabi nito at agad ako natigilan.
"Teka--teka--teka lang naman. Uupo? Matitiis mo ako--"
"Itatali kita para di mo ako mahawakan."
"Para ako ang hawakan mo?"
She groaned frustratingly and i laughed to her reaction.
"Come on! Para naman maisip mo ako kahit nasa bahay ka ninyo. Ako nga lagi kitang iniisip sa apartment ko."
Nandidiri itong tumingin saakin. Mas lalo akong napahagalpak sa tawa.
Napamura itong bumubulong habang nakasalubong ang kilay.
"Kung i-didisplay mo 'to sa condo mo,what will happen Astral?"kunyaring gulat na sabi ko. Nagtaka pa sya sa tinuran ko pero kalaunan ay mukang na-gets nya iyon at mataray na tumalikod saakin.
BINABASA MO ANG
When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)
Fiction généraleSi Antonio(aka Toni) ay sumama sa kanyang mga kaibigan para medyo makalimot sa kanilang break up ng kaniyang boyfriend. Pero sa di inaasahan na pagkakataon ay may isang babaeng nagyaya na makipagtalik sa kanya. At di nya alam na sa babaeng iyon ay...