•015•

953 51 28
                                    

¤▪¤15¤▪¤


"Dont be jealous,I miss you. Not him."

Para bang babaliktad ang sikmura ko sa sinabi nya. Feel ko din parang di na ako humihinga. Tanging malalakas na kalabog sa dibdib,nanginginig na paa,parang natatae sa kaba, at parang walang laman ang tyan ko at may kung anong lumilipad duon. Shit,ngayon pa lumabas yung mga kabute oh!

Di ako umimik. Wala akong masabi sa totoo lang. Ang alam ko lang ay namumula na siguro ang muka ko, nahihiya at sobrang nanigas sa kinatatayuan.

Binuka ko ang bibig ko para may lumabas na salita kaso wala talaga. Sobrang dry ng lalamunan ko at kelangan ko pa ulit itikom para makalunok lang ng laway.

She smirk and held my hand. Gusto ko ng mahimatay.

"Kumain ka na ba?"biglang sabi nito at wala akong ibang magawa kundi umiling. Tumango ito saakin.

"Come here,let's eat,"she gently pull me beside her. She masterfully take mg bag to me,ni di ko nga namalayan iyon kung di ko lang nakita na hawak nya yung bag ko.

Namula agad ang pisngi ko dahil binuhat nya yung bag ko! Para tuloy kami kahit wala naman. Sinilyupan ko sya na seryoso sa paglalakad. Namangha naman ako dahil sobrang hot nya. Para tuloy mas kumabog pa ang dibdib ko at di makahinga.

Kukunin ko na sana ang bag ko sa kanya kaso hinuli nya agad ang kamay ko.

"May laman ba tong bag mo?"tanong nito.

Lumaki agad ang mata ko at mabilis hinablot ang bag ko sa kanya gamit ang kanang kamay.

"Akin na nga!"iritadong sabi ko at iniwas agad ang tingin. Ngumisi lang sya. Bumababa ang mata ko sa pagkakahawak nya saakin at namula.

Feel ko parang sasabog nalang ako dahil sa saya na nararamdaman. Who wouldn't?! She hold my hand! Hindi na rin sya cold at mukang laging napipilitan pero ngayon eto sya,hawak-hawak kamay ko.

Kurap akong tumingin sa daanan at pigil hininga talaga ako. Kung hihinga naman ako ay parang nanginginig ang buong sistema ko.

I never felt this to Navis. Masaya ako tuwing kasama sya pero hindi ganito. Yung tipong di mo alam ang gagawin mo. Kung tatalon ka ba o tatakbo. Kung mag-iisip ka ba o hindi. Kung ngingiti ka ba o tatawa.

Wala akong maisip na gawin. Basta gusto ko lang na hindi huminto ito.

Holding hands palang pero para na akong mababaliw.

"Where do you wanna eat?"biglang salita nya at agad nakuha nito ang atensyon ko.

"K-kahit..saan,"mahinang sabi ko at ngumuso.

I heard she chuckled and guided me to a near cafeteria. Nguso akong tumingin sa kanya habang nilalagay ang bag naming dalawa sa kabilang upuan.

"Hmm,what do you wanna eat?"tanong nito saakin. Sa di malamang na dahilan ay namula agad ang pisngi ko. Sa simpleng tanong nya palang eh talagang nag-iinit ang puso ko.

"C-caldereta tapos Monggo,"naiilang na sabi ko dahil nakatitig ito sa mismong mata ko.

"Ok,ako na magbabayad."

Tututol na sana ako ng umiling ito saakin.

"Ako na. My treat today,"tumayo na ito at di na ako pinag-bigyan na tumutol pa.

When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon