•023•

819 42 31
                                    

¤▪¤023¤▪¤

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at tumama agad saakin ang liwanag. Nilinga ko ang mata ko at nakitang puro puti ang paligid.

Gusto kong itanong kung patay na ba ako pero tanga lang mag-iisip non. Alam ko din namang nasa hospital ako dahil dinala siguro ako ni Astral.

"I love you."

Nakaramdam agad ako ng init sa muka dahil naalala kong sinabi ko pala sa kanya iyong katagang iyon.

Funny thing is,malalaman ko pa feelings ko kung kailan malapit akong mamatay. Sa mga oras na yun andami ko narealize.

That i should live to the fullest.

That i should tell my loved once how i really love them.

Now that God gave me a second chance in that near death experience. Im not gonna waste.

Hell no.

Pero...nakakahiya pa din na inamin ko yun! Ahhh!! Napahilamos ako ng muka at sinipa ang ere. Pero napastop agad ako dahil nakaramdam agad ako ng sakit.

Mabilis kong tinignan ang katabing lamesa saakin at nakita ang iilang prutas duon at pati ang cellphone. Napaisip ako tuloy kung kamusta si Astral. May nangyari ba sa kanya nung niligtas nya ako?

Tch. Lakas lang iflex na kaya talaga nyang makipaglaban eh.

Napairap agad ako pero nakaramdam din ng pag-aalala. Kamusta na kaya sya? Wala bang galos ni isa sa katawan nya?

Kahit masakit man ang braso ay pinilit kong kinuha ang phone sa lamesa. Napadaing ako at napapikit nalang.

Tinignan ko kung anong oras na 2 na ng umaga. Phew. Buti naman. May test pa naman kami mamaya.

Now that im alone. I should anaylze and understand my feelings.

Dahil tutal alam ko naman na ano ba talaga itong nararamdaman ko.

Di ko mapigilang mamula. Its my first time falling to a girl. I mean ano ba dapat ang gawin? Dapat ko ba syang ligawan? Diba yun naman ang ginagawa? Para lang ba syang ung pagliligaw saakin ni Navis noon?

This is hard. Hindi ko alam ang una kong gagawin.

Pero ok lang ba...na ako ang maging boyfriend nya? It's not like na kagaya ako ng ex nya. Matipuno at lalakeng-lalake ang muka. Dapat ko din bang gawin yun? Maghanap kaya ako ng malapit na gym sa apartment ko? Matangkad nga ako kaso payat naman.

Dapat ko din atang ihinto itong pag-ma-makeup ko. Ayaw ko naman na isipin ng iba na yung boyfriend nya eh mas makapal pa ang makeup kaysa sa kanya!

Nanlaki ang mata ko ng natanto na iniisip ko na magiging kami na.

Wahhh!! Di naman iyon ang ibig kong sabihin pero...yun din naman!

Nasan ba sya? Nandito ba sya ngayon?

Tinignan ko ang phone ko at naisip na bakit kaya di ako magsearch? Isearch ko kaya kung papaano maging bakla ang isang lalake? Or paano manligaw?

So i did what i have to do.

Nagsearch ako kung paano manligaw ng babae.

◇Paano ba Manligaw sa isang babae?◇

•Una! Dapat hindi mo sasabihin na liligawan mo sya. Dahil paano kung mabasted ka nito? Paano kung tinanong mo palang ayaw nya na? Dapat diretsuhin mo. Yung tipong hindi mo sya tatanungin kundi sabihin mo na ligawan mo sya kaagad!

Hindi ba masyadong bastos yung mga ganito? So sasabihin ko nalang na--"Hoy! Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo!"

Naiisip ko palang na sasabihin ko yun gusto ko ng lamunin ng lupa.

When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon