•09•

912 45 20
                                    

¤▪¤09¤▪¤

Wala ako sa sariling naglakad patungo sa school. Kahit sobrang sakit sa dibdib at parang sinasaksak ang sistema ay kelangan pading pumasok. Hindi ko dapat masyadong indain ito dahil baka mamaya may test pa at bumagsak ako.

Pinunasan ko agad ang tutulong luha sa mata ko at pilit na kinakalma ang sarili. Tahimik akong naglakad at di ininda ang kaingayan ng paligid. Parang wala akong naririnig kundi ang hinagpis ng puso ko.

Masyadong masakit at hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung papaano ako maguumpisa ng wala na sya. Pero alam ko din sa sarili ko na ayaw ko na. Ayaw ko ng makasama sya.

Sobra akong nagagalit sa sarili ko dahil nagawa ko ito. Nagawa kong malimutan agad sya. Nagawa kong tanggalin sya sa buhay ko.

"Huy! Ok kalang? Mukang zombing naglalakad pre,"biglang bungad saakin ni Matteo.

Bumuka ang bibig ko pero walang salitang lumabas duon. Sinarado ko din agad at lumunok. Ramdam ko ang kawalan ng laway sa lalamunan ko.

Lumapit na ito saakin at may pag-aalala sa muka.

"Huy?meh sakit ka ba?"

"Oh! Mga pre--'nu yan? Zombie?"dating naman ni Jinny saamin na may ngiti sa muka pero ng makita naman si Matteo na seryoso at may pag-aalala sa muka ay nawala agad iyon.

"May nangyari ba?"takang tanong ni jinny pero nag-aalala ang matang dumako saakin pati kay matteo.

Di ko mapigilang maluha sa harapan nila. Nataranta pa sila at parang di alam ang gagawin dahil hindi naman agad ako umiiyak. Kahit nag-aaway kami ni Navis eh magrarant lang ako pero never pa nila akong nakitang umiyak sa harapan nila.

"H-huy...bakit ba yun?"kinuha agad ni matteo ang bag ko at maingat na dinala ako ni jinny sa bakenteng upuan kung saan wala masyadong tao.

"Hu--uyy...."

Taas isang kilay at baba ang isang kilay na dumating si kierra sa amin. Pero ng makita na humihikbi na ako ay nag-aalala na itong lumapit saakin.

"Anong nangyayari sayo? Iniwan lang kita kanina tapos ngayong nakita na kita umiiyak ka,"komento nito sabay upo sa tabi ko. Tumingin ito kay jinny at matteo.

"Anyare dito?"

Nagkibit-balikat si Jinny at matteo. "Ewan ko dyan bigla nalang umiyak sa harapan namin!"

Kierra paused. Parang may naisip kung bakit ako umiiyak. She narrowed her eyes with her both arms are crossed.

"Dahil ba toh kay Navis? Nakipagbreak na naman ba sayo iyong hinayupak nayun?"malamig at siguradong tanong ni Kierra. Tumaas naman ang kilay ni Jinny na para bang handa nang makipag-away at sumeryoso naman ang muka ni Matteo.

Mas napaiyak ako sa sinabi nya.

"Sinasabi ko na nga ba!"sigaw ni Kierra saakin sabay palo sa kanyang palad.

Humihikbi akong umiling. Gustong magsalita pero di ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para sabihin.

"Ano ba kasing nakita mo dun huh?"iritang sabi ni Jinny.

When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon