CHAPTER 53

1.1K 56 9
                                    

CHAPTER 53


 

ZENNIE ' s POINT OF VIEW

 

Bakit ako yinakap nanaman?

Bakit siya nandito? 
 
Tapos na ba s'yang mag-habol kay Sopia?
   
  
  
 
Putangn-a. Bakit ko ba iinisip yung mga ganito?
 
 
 
Tumayo ako at ginulo ang buhok ko sa sobrang gulong-gulo nararamdaman at iniisip ko.
   

Tinignan ko si Storm na ngayon eh naka upo habang umiinon ng tubig. Ang gwapo, pot-a! Habang ako na'stress sakanya, tangn-a.
   
 
 

“Zennie!”
    
 
  
 
Napatingin ako sa bolang nasa ereng papunta sa'kin.

  
 

Magpatama na lang kaya ako sa bola? Para mauntog ako sa katotohanang hindi pa tapos mag-habol si Storm kay Sopia.
 


 
 

S'yempre agad ako umupo para hindi tamaan.
   
 
  

Hindi ko na nga maiintindihan ang sarili ko, sasaktan ko pa? Aba'y kalabisan na 'yon.
      
 
 

“Jaylen!”
     
 
 
 
Napatingin ako kay Jaylen na nasa likuran ko pala, na siyang tinamaan ng bola.  Agad kaming lumapit sakanya. Sapul sa mukha ang bola ng volleyball sakanya.
      
  
 

Zennie, kumalma ka. H'wag ka tatawa ng malakas. Malakas ang pagkatama ng bola sa ulo ni Jaylen.
   
 

“Bakit ka umiwas sa bola?!”  Sigaw ni Jaylen habang hawak ang ulo n'ya.
      
 

Sinisi pa 'ko?
 
  

“Eh, hindi naman ako tanga para mag-tama sa bola noh,” pigil tawa sagot ko.
   
   
  
 
Hindi dapat ako natatawa ngayon, pero hindi ko mapigilan.
   
  
  
 
“Hindi ka agad umiwas?! Ako tuloy tinamaan.”
    
  
   

Natatawa narealize ko 'yon. Oo nga noh? Bale medyo kasalanan ko kung ba't tinamaan sa ulo si Jaylen ng bola, kasi hindi agad ako umiwas.
       
 
 

“Zennie,  dalhin mo na muna si Jaylen sa clinic,” utos ni James.
     
 
 
Napatingin ako kay James. “B-B'at ako?”
 


  
  
 

Iniiwasan ko nga yung tao eh.
    
  
    
“Busy kaming lahat,” sagot ni James.   
      
 
 

Nag-papractice nga pala sila lahat sa mga sports na sinalihan nila at ang iba naman eh gumagawa na ng mga steps para sa participation namin sa cheerdance competition.
     
  

Wala ako nagawa kung hindi lumapit kay Jaylen.  “Kaya mo bang tumayo mag-isa?” tanong ko.
   


“S'yempre hindi, nahihilo ako eh.”
     
  

“Arte nito,”  bulong ko.
   
 

“Ano?!”
 
  

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon