CHAPTER 68

1K 48 2
                                    

CHAPTER 68

ZENNIE ' s POINT OF VIEW


BES!” Salubong na sigaw ni Jeffrey sa akin pagpasok namin ni Yuta sa classroom.



“Saan kayo galing? Ba't hindi naman ma-contact cellphone mo?” Sunod-sunod na tanong ni Jeffrey sa akin.
 

“Ayos lang ako, Bes.” Wala gana ko sagot saka pumunta sa p'westo ko.
 
 

Pag-dating sa pwesto ko dumukdok agad ako sa mesa ko at pumikit. Ang sakit ng puson ko. Ba't naman kasi pa-delay-delay itong red days ko? Buti na lang may napkin sa condo kanina.
 
Bigla ako napangiti. Condo ko pala. Hehehe. Nakakakilig naman na may sarili ako condo tapos katapat ko pa condo ni Yuta, instant neighborhood kami.
   


Napahawak ako sa puson ko. Ang sakit. Ba't kasi hindi na lang ako naging lalaki para wala ganito?




“Zennie, ayos ka lang?”  Dumilat ako para makita kung sino ang nag-tanong.



Pumikit ulit ako nang makitang si Andrew pala ang nag-tanong. “Oo. Ayos lang ako.” Nakapikit ko sagot. Hayss! Ayoko siya makausap ulit naalala ko lang yung nangyari nung gabing 'yon.





Winagayway ko muna ang kanan ko kamay sa mukha ni Andrew.  Tulog na talaga ang Mokong.

Nang maka-upo ako ay bina-rash ko ang malambot na buhok ni Andrew. Hindi ko naiwasan titigan siya at mapangiti.

Andrew. . . .Bulong ko tapos ay hinalikan siya sa noo.
  
Napatayo ako at napahakbang ng tatlong bese nung bigla dumilat si Andrew at tinignan ako.
  
“G-Gising ka?”  Utal ko tanong.
 
Ngumiti si Andrew tapos pumikit ulit.




 

Inuntog-untog ko ang ulo ko sa mesa. Punyet-a, ba't ko naman kasi hinalikan sa noo niya si Andrew? Tinigil ko pag-untog sa sarili at napangiti nang maalala ang mukha ni Andrew nung gabing 'yon, kasi naman para siyang anghel non habang natutulog.
  

Umiling ako. Ano ba yung naiiisip ko? Nakakahiya yung ginawa ko. Hindi porket mala-anghel ang mukha ni Andrew nung gabing 'yon eh dapat ko siya halikan sa noo, tapos nagising pa. Hays! Dapat siguro inuntog ko siya non o kaya sinapak ko. Hay! Hindi, siguro dahil nasa katawan ko espirito ng alak nung gabing 'yon. Tama!
 
  


“Zennie?”
  


Napatingin ako kay Sir Aron tsaka sa mga Mokong. Nakatingin pala silang lahat sa akin.



“Ayos ka lang ba?” Tanong ni Sir sa akin.



“A-Ano po, opo.”  Hindi sigurado sagot ko.

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon