CHAPTER 16

1.5K 63 5
                                    

CHAPTER 16

ZENNIE ’ s POINT OF VIEW

   
Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Pag-ligo at bihis ko ng uniform humarap ako sa salamin at kinuha ang bb cream ko nakapatong sa mesa.

   
“Ubos na?”
 
  
Tinignan ko ang bandang ilalim ng labi ko. Hindi na ganoon ka-violet ang pasa. Siguro naman wala makakapansin kung hindi ko na lagyan ng bb cream.
  
  
 
Kinuha ko ang bag ko nasa study table ko at lumabas ng kwarto.
   
    
  
Hindi ko nanaman naiwasan mapangiti nung mapatingin ako sa pintuang kwarto ni Waeil.  Kinalma ko ang sarili pero yung bunganga ko kusa ngimingiti. Mukha tuloy ako sira ulo.
  
    
Naiisip ko pa lang si Waeil naalala ko agad yung halik sa pisngi. Paano pa kaya kapag nakaharap ko siya? Baka mag-tambling ako sa harapan niya sa sobrang kilig. Dapat kalma lang ako. Hindi p'wede humarap kay Waeil na mukha sira ulo.

  
  
Pumikit ako at umiiling-iling ng naka-ngiti.   “Kumalma ka Zennie.”
  
  
  
Dumilat ako at tumili para pakalmahin ang sarili ko.
  
   

HA! Mas maganda siguro kung hindi ko na lang muna harapin si Waeil.
     
      
  
“Sira ulo ka ba hinayupak ka?”
  
 
“Ay put-ang tukmol! T-Teka kanina ka pa d'yan?”
   

Bakit hindi ko napansin na nasa tabi ko itong si Storm?
  
  
 
Napahawak ako sa bibig ko nung mapansin ang porma niya. Mas maayos ang pagka-suot ng uniporme, madalas kasi hindi niya sinusuot ang coat atsaka necktie niya, pero ang lalo mas nagpa-cool sakanya yung kulay itim na sunglasses na suot niya.
   
 

“Ano trip mo sa buhay? Teka?” tinuro ko ang bibig ni Storm.  “May pasa ka din?”
   
  

Nakipag-bugbugan sila kagabi? Ang nakakapag-taka lahat sila may mga natamo pasa at sugat, eh sa araw-araw nila nakikipag-away ni minsan hindi sila nagagalusan, tapos bigla puro mga sugat at pasa sila?
 
 
 
Tinabig ng Tukmol ang kamay ko.   “Wala ka pake.”   Sabi niya at bumaba.
  
 
 
Ang sungit naman.
  
   
 
Kaysa ma-stress sa Tukmol na iyon eh bumaba na rin ako.
  
 
 
Pag-baba ko agad narinig ang boses ng Tukmol sa labas. Sino nananaman ang kaaway non?
  
  
  
 
Pag-labas ko nakita ko nakita ko kausap ni Storm si Rehan at Hendery. Nag-tatalo sila tatlo. Teka, bakit inaaway din ni Hendery si Rehan? Mag-kaibigan sila eh.

    
 
Lumapit ako sakanila tatlo at agad naman ako napansin ni Boy Emoji.
  

“Good morning, My Labs!”
 
    
Handa na'ko yakapin ni Boy Emoji nung bigla siya itulak ng mahina ni Storm.

  

“Umalis na sabi kayo, kami ng hinayupak na 'to ang sabay!”
   
  

Napatingin ako kay Storm. Kailan ko sinabi sabay kami papasok?
 
 
 
“Alis na!” Taboy ni Storm kina Rehan at Hendery.
   
  
Pumunta ako sa harapan ni Storm ng naka-pameywang.   “At sino may sabi, sa'yo ako sasabay?”
  
   
Nagulat ako nang bigla ilapit ni Storm ang mukha niya sa mukh—eeeng  .  .  .  sa tainga ko. “Marami ako pictures ninyo ni Waeil, gusto mo ipagkalat ko 'yon?”  Bulong ng Tukmol.
 
 
“A-Anong pictures?”  balik na bulong ko.
 
 
 
Hindi kaya nakita kami ng Tukmol na 'to ang pag-halik sa pisngi ko ni Waeil kagabi? Kapag nalaman ng mga fans ni Waeil na hinalikan ako sa pisngi sigurado marathon nanaman ng buong isang linggo—ay hindi baka hanggang sa makapagtapos ako.
      

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon