CHAPTER 54

1.1K 57 18
                                    

Chapter 54

 
 

ZENNIE ' s POINT OF VIEW
  
 

 

“Picturan ko kayo!” sigaw ni Jero.
   
 
Lahat kami agad nag-kumpulan at nagkanya-kanya ng pose.
     
 
 
“Wacky naman!”
  
 
 
Edi s'yempre nagkanya-kanya kami ng wacky face. Ako naka pogi sign habang naka-nguso.
    
 

“Ayan. Ang papangit n'yo.” Tumatawang komento ni Jero, habang nakatingin sa camera niya.
   



Nagtinginan kaming lahat.
    
 

“Kuyugin si Jero!” Sigaw ni Jeffrey.
  

   

Mabilis na sumulyap si Jero sa amin saka siya tumakbo palabas ng canteen habang hinahabol siya ng dalawapu't isang studyante galit sakanya.
     
   

“H'wag ka magpapahuli sa'min!”

“Humanda ka Jero!”

“Gag-o ka!”
 
“Ang kapal mo tawagin ako pangit!”
   
  
 

Kanya-kanya naming sigaw habang hinahabol si Jero.
  
     
 
MASAYA. Masaya kami tumatakbo ngayon.
 


  
 

Mag-mula nang pakiusapan ko sila na subukan nila mag-enjoy sa pag-practice, ito ang kinalabasan. Lahat enjoy. Lahat, masaya.
 


 
 
 

Sa una, hindi naging madali sakanila. Ang akala ko nga wala na pag-asa ang isa sakanila na magka-ayos-ayos. Ito ngayon, pare-pareho kami masaya. Hindi lang tuwing practice, kundi tuwing nasa loob kami ng theater room—na classroom namin ngayon, tuwing nasa bahay din. Walang away, walang lamangan.
 


 
 

Pero s'yempre, hindi lahat magkakabati. May iilan talaga na may kanya-kanyang galit sa isa't-isa na hindi pa handa patawarin ang isa't-isa.

 
 
   

*       *           *       *


 
 

 
  
  

“We are the section Ares survivors? B'at ganon?” Taka ko tanong sakanila nang isali nila 'yon sa isisigaw namin para sa cheerdance namin.
   
  
 
“Because we are the section Ares survivors,” Ngiting sagot ni Mikael.
   
  
  
“Hindi ko gets, paki explain.”  Sabi ko sakanila.
   
  
 
“Zennie, ang tawag nila sa amin ay Section Ares survivors. Dahil, marami nag-tangkang makapasok sa section natin. May mga hindi pumasa at mayroon ding pumasa, pero hindi nag-tagal kagaya natin.” Paliwanag ni Andrew.
  
  

“Wow!” 'yon lamang ang naisagot ko.
  

  
 

Kaya pala madami namamangha sa Section Ares pag-dating sa mga academics, dahil parang maliit na butas sa karayom ang pag-asa para makapasok o mag-tagal sa section na 'to.
     
  
Kung iisipin, hindi naman mahirap makatagal sa section namin, basta't sama-sama at nag-tutulungan kaming lahat.
     
 

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon