CHAPTER 89

1K 51 7
                                    

“Who are you?!”   Sigaw ni Yuta sa lalaki nakasuot ng itim na nakita niya nag-tangka sa buhay ni Zennie. Hindi sumagot ang lalaki, sa inis ni Yuta ay binalibag ang lalaki sa harapan ni Zennie.   
   
   
 
Sa pagka-gulat ni Zennie nang dahil sa pag-sulpot ni Yuta habang sinusuntok ang lalaki ay napahinto siya sa pag-lakad papasok sa bus. Wala nakakita sakanila dahil nasa pagitan sila ng bus na walang sakay.
     
     
    
“Nasaan ang mga kasama mo?!” Sigaw ni Yuta sa lalaki saka ito sinuntok nang hindi sumagot.
     
    
 
Kinuwelyuhan ni Yuta ang lalaking nalalasap na ang sarili dugo nang dahil sa mga suntok na natamo mula sakanya.
    
  
   
“Mag-salita ka kung ayaw mo dito mag-tapos ang buhay mo.”  Mahinahon ngunit mababakas sa boses ni Yuta ang pagka-galit.
    
  
 
Wala iba sinagot ang lalaki kay Yuta kundi isang ngisi. Ngising nag-pataas ng  mga balahibo ni Yuta. Ngising, nagpa-kaba kay Yuta.
  
 

Sinuntok ni Yuta ng napaka-lakas ang lalaki na nag-patulog sakanya saka tumingin si Yuta kay Zennie.
   
  

“Zennie!”  Sigaw ni Storm.
   
   
  
Sakto pag-tingin ni Yuta ay ang nakarinig sila ng pag-putok ng baril at sakto pag-dating ni Storm na hindi nag-dalawang isip na saluhin ang bala ng baril para lamang hindi masaktan si Zennie.
  
  
 
Sa pag-kapa ni Zennie sa likod ni Storm at nang makakita ng dugo ay para siya binuhusan ng madami yelo sa katawan.
   
 

Tinulungan si Zennie ng mga kakarating lamang na Section Ares sa pag-alis kay Storm sa ibabaw niya.
  
 

“What happen here?”  Nag-aalala tanong ni Jaylen habang nasa hita niya si Storm na walang malay.
   
  
 
Nang matitigan ni Zennie si Storm na walang malay ay bigla na-blanko ang pag-iisip nito at naging mabibigat ang bawat pag-hinga.
   
   
 
Hahabulin dapat ni Yuta ang bumaril kay Storm ngunit nang mapansin ang pagkuyom ng mga kamao ni Zennie at bago makatayo si Zennie ay mabilis siya lumapit at yinakap ng mahigpit si Zennie.
  
 

Sa pag-kayakap ni Yuta kay Zennie ay nag-umpisa mag-wala si Zennie. Kaysa pakawalan ni Yuta si Zennie ay mas lalo pa hinigpitan ni Yuta ang pagkayakap at hindi ininda ang mga suntok ni Zennie.   
  
 

Hanggang sa nakatulong na lamang si Zennie dahil sa sobra pag-iyak.

  
  
 
  
  
  
  
 
 
 

━━━━━━ • ✿ • ━━━━━━

 
  
 
  
  
 
 
 

ZENNIE ' s POINT OF VIEW

 
  
 
 

Paggising ko hindi ko muna minulat ang mga mata ko. Tinatamad pa ako atsaka parang ang bigat ng katawan ko. Parang ayoko rin gumalaw. Eh, kung hindi lang ako kusa humihinga baka hindi na rin ako hihinga sa sobra pagka-tamad na nararamdaman ko.
   
  
 
Maya-maya eh nakaramdam ko ng bimpo basa sa noo. Sino naman ang sira ulo sa Section Ares gumawa nito?
  
     

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon