CHAPTER 82

1K 51 2
                                    

CHAPTER 82
 
  
 
 

ZENNIE ' s POINT OF VIEW


 
 
 

Pag-tapos ng klase eh dumiretso ako dito close gymnasium para mamili kami ng magiging Prince Charming.
     
    
   
 
 
“Ang matirang naka-tayo siya ang magiging prinsipe ni Zennie!” Sigaw ng Tukmol.
   
  
  
 
 
Nagpalumbaba ako habang isa-isa binabalibag palabas nila Storm at Hendery ang mga studyanteng mag-o-audition, hanggang sila apat nila Andrew at Waeil ang matira.
   
  
  
 
Oh, edi silang apat din ang pagpipilihan? Nagpa-audition chuchu pa kung gagawa ng bagong rules ang Tukmol pati si Boy Emoji.
   
  
 
  
“Bakit ba bigla ang dami nag-hahabol sa'yong Hinyupak na babae?”
    
  

“Aba, malay ko.”  Sagot ko.
   
  

Nag lapag ng mga litrato si Bryan. Isa sa mga studyante lalaki lumapit sa amin kanina para sabihan ako gusto ako maging bida nila sa play.   “Ito. Dahil dito.”   Sabi niya.
    
  
 
Kinuha ko ang pictures na ibinigay niya tapos nagsilapitan sa akin ang apat na Mokong.  Mga picture ko ito na naka-Cinderella costume ako. Ang dami ko pala stolen shots.
     
 

  
 
“Kukunin ko na ito.”
 
  
  
 

Tumingin kami lahat kay Waeil nang kuhanin niya ang stolen shot namin habang sumasayaw nung gabi ng Halloween party.
   
  
  

“Bakit wala ako?”

“Maski ako!”
   
“Ako di—ito!”
    
  
 
 
Napatingin ako sa tatlo nang mag-hanap sila ng pictures nila ata sa mga linapag ni Bryan.
   
  
  

Agad ko binatukan si Storm nang bigla niya kwelyuhan si Bryan at nag-hanap sakanya ng picture naming dalawa.
   
  
  
“Tigilan n'yo na nga pag-hahanap ng picture.”  Sabi ko kina Boy Emoji at Tukmol tapos kinuha ang nakalatag na pictures ko nung halloween.   “Mag-umpisa na sa audition na iyan ng matapos na.”  Dagdag ko sabi.
  
  

“Sige. Ganito. Ang una kung sino magaling sumayaw, katulad ng pag-saya ninyo ni Waeil nung Halloween party.” Sabi ni Bryan.  
  
  
 
“Sayaw lang pala. Easy lang iyon sa akin. Ako na ang mauuna isaya si Zennie.” Mayabang na sabi ni Storm.
   
  

 
Wala gana ako tumayo at lumapit kay Storm. Pag-lapit ko kay Storm ay tinignan ko ang pag-hawak niya sa baywang ko. Hindi niya hawak ang baywang ko, idinikit niya lang ang dulo ng palad nito.
  

 
 
Tinignan ko si Storm at nginitian ako. Pag-hawak ni Storm sa isa ko kamay ay may biglang pumasok na dalawa boses ng bata sa isipan ko.
   
  

“Ayoko nga sayo eh!” Sabi ng batang babae.
  
“Ayaw din ni Jaylen sa'yo. Bleeh!”  Asar ng batang lalaki sa babae.
     
      
       
            
         
Bago pa ako ma-i-sayaw ni Storm eh hindi sinasadya ma-itulak siya.
  
  
 
Mabilis ko kinuha ang bag ko at tumakbo palabas ng close gymnasium.
   
  

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon