CHAPTER 66

1.1K 54 3
                                    

CHAPTER 66


ZENNIE ' s POINT OF VIEW


Nakahanda na ako sa pag-pasok. Lalabas na dapat ako ng kwarto nung mapansin ko ang sandamakmak na hand moisturizer sa may gilid ng study table ko.
  
Gag-u Jaylen kasi 'yon hindi ko na siya na tanggihan kagabi.
 

 

Nagising ako nung tapakin ni Jaylen ang braso ko.

“Zennie, nasa boarding house na tayo.”
 
Pag-dilat ko ng mga mata napa-ayos ako ng upo. Hindi ko namalayang nakatulog aksa balikat ni Jaylen. 

Pag-labas ni Jaylen sa sasakyan nila eh lumabas na rin ako at sumunod sakanya papasok ng bahay.
 
“Ako na ang magbubukas ng pintuan.” Sabi ko nung nasa tapat na kami ng pintuan.
  
Pag-bukas ko ng pintuan eh nawala ang antok ko dahil sa sigaw na bumuluga sa amin ni Jaylen.

“Finally!” Sigaw ni Rehan.

Halos lahat ng Mokong nandito sa sala bukod kina Hendery at Storm.

“Zennie, saan kayo galing?” Mainahon tanong ni Andrew sa akin.

“Hoy, Zennie Cruz at Jaylen Na!” Sigaw ni Jeffrey paglapit sa amin ni  Jaylen.  “Alam n'yo ba kung anong oras na ha?!”


“Zennie, eleven o'clock na. Wala pa ako kain!” Wika naman ni Yuta. Hindi ko nga pala siya napag-luto.

“Alam n'yo ba kung sino ang kausap ko?!” Sigaw ni James habang ipinapakita sa amin ang mamahalin niyang cellphone, tapos itinutok na sa tenga yung cellphone at lumayo sa amin ng konti.  “Sorry sa istorbo, nandito na sila. Huwag na sila ipahanap.”

“Hindi pa ma'contact ang cellphone n'yo pareho.” Sermon ni ABC.

“Guys, chill.” Awat ni Alex sa mga nanenermon sa amin. “Nandito na silang dalawa, tama na.” Tapos tumingin sa aming dalawa si Alex. “Saan ba kayo galing na dalawa ng wala pasabi, ha? Ano ba iyang cellphone ninyo dalawa, bulok? Kanina pa hindi ma-contact simula umalis kayo ng classroom. Ni hindi man lang kayo nag-text isa sa amin ng kahit isang tuldok, para malaman naming ayos kayo!” Mahabang sermon ni Alex sa amin ni Alex. Daig pa si Daddy manermon eh.

“Alex, akala ko ba chill lang?” Tanong ni Kenneth.

Oo nga! Akala ko ba chill lang?

“Chill pa ako sa lagay na 'to.” Sagot ni Alex.

Buti na lang, chill pa siya sa lagay na 'yan. Pa'no pag hindi pa?

“Tama na ang sermon guys.” Awat ni Waeil sakanila. “Diba nga inutusan sila ni Sir Ramil kaya hindi sila naka-pasok kanina?”

Nag-tinginan kami dalawa ni Jaylen. Kailan kami inutusan ni Sir Ramil? Ba't hindi ko alam 'yon?


I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon