CHAPTER 86
ZENNIE ' POINT OF VIEW
“Didiretso ka na ba niyan sa boarding house?” Tanong ko kay Alex.
Ngayong linggo pinuntahan namin si Kendrick sa pinag-confine sakanya hospital, pero wala kami naabutan roon ni Alex dahil ilinipat na daw si Kendrick sa America.
“Hindi na. Hinatid lang kita dito sa boarding house.”
Feeling ko tuloy babaeng-babae ako.
“Salamat. Sige pasok na ako, ingat ka sa pag-uwi.” Paalam ko kay Alex.
Papasok na dapat ako sa loob ng boarding house nang hindi natuloy dahil sa epal na sumulpot na daig pa ang tatay sa pag-tatanong.
“Saan kayo galing na dalawa? Bakit ginabi kayo? Ano ginawa ninyo dalawa sa labas?” Sunod-subod na tanong ni Storm.
Sa totoo lang hindi nakakakilig yung ginagawa ni Stom, nakakairita. Daig pa ang security guard eh.
“Pake mo ba?” Sabi ko kay Storm saka pumasok na ng boarding house kasabay sina ABC at Theo.
Pag-pasok naming tatlo naabutan namin si Rehan na palakad-lakad sa sala na naka pikit pa at naka-cross arms.
Nag-tinginan kaming tatlo nila ABC at Theo tapos tinignan ulit si Rehan. Bakit parang ang laki naman ata ng problema nga lalaki 'to? Ni hindi niya napansin ang pag-pasok namin.
“Baka iniisip niya ang exam bukas.” Bulong ni ABC.
Baka nga? Eh, bakit hindi na lang mag-review si Rehan kung na-stress siya sa exam bukas?
“Hoy, hinayupak na babae!”
Saka lang kami napansin ni Rehan dahil sa sigaw ng Tukmol.
Sasapakin ko ang Tukmol na ito kapag nag-tatanong nanaman siya tungkol sa pag-labas namin ni Alex ngayon.
“Nasaan si Yuta?” Tanong agad ni Storm pag-lapit sa akin.
Hindi siya mag-tatanong tungkol sa ginawa namin ni Alex?
“Zennie, nasaan si Yuta?” Tanong din ni Theo.
“Ano, doon . . . ” Turo ko sa taas. “Sa kwarto niya.” dugtong ko sabi.
Akala ko nagagalit siya kasi magkasama kami ni Alex. Tapos ano . . . Seselos siya.
“Ano ginagawa ni Yuta sa kwarto niya?” Tanong ni ABC.
“Nag-lalasing nanaman.”
“LASING?!” Sabayang bigkas nila Storm, Theo at ABC.
“Oo. Siguro. Eh, kasi mag-dadala siya ng alak sa kwarto niya tapos kinabukasan na siya lalabas.” Paliwanag ko.
“Ang ibig sabihin. Hindi mo pa nahaharap si Yuta ng lasing siya?” Tanong ni Theo.
“Oo?” Patanong ko sabi.
Bigla tinulak nila ABC at Theo si Storm pataas.
BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...