CHAPTER 95 (Part I)

1K 56 9
                                    

Pag-punta ni Storm sa rooftop ng luma building ng Section Ares, ay humiga ito sa lapag at pumikit.


Sa pag-pikit ng mga mata ni Storm kasabay nito ang pag-patak ng luha mula sa kanya mga mata.


"Sorry . . . Renee." Saad ni Storm.


Bago pa man mahawakan ni Jaylen ang hawakan ng pintuan ay narinig niya ang sinabi ni Storm.


Ngumisi si Jaylen bago iwanan na lamang si Storm.


"Damn you, Storm." Bulong ni Jaylen habang bumababa.









━━━━━━ • ✿ • ━━━━━━







CHAPTER 95



ZENNIE ' s POINT OF VIEW




"Ang ganda-ganda mo ulit, Zennie." Masaya sabi ni Ate Marie.

"Sigurado ako madami mag-aaya sa iyo makisayawa mamaya sa party." Sabi naman ni Ate Kimberly.


Sila dalawa rin yung nag-ayos sa akin nun sa Halloween party, kaya ngayon hindi ko nanaman nakilala ang sarili ko pagkatapos nila ako ayusan.

"Bagay na bagay sa iyo ang suot mo ball gown V neck dress strapless floor length tulle polyester." Komento ni Ate Marie.


"Alam mo, Zennie. Kulang na lamang sa iyo ay dibdib. Gusto mo lagyan kita ng dibdib na make-up?" Sabi ni Ate Kimberly.

Agad ako umiling. "Hindi! Hindi na noh!"

Bigla ako kinapitan nila Ate Marie at Kimberly sa braso ko.

"May manliligaw ka na noh?" Kinikilig na tanong ni Ate Marie.

"Ilan? Mga gwapo ba sila? Matino ba?" Tanong ni Ate Kimberly.


Bigla ko naisip kung matino na ba siya? Hindi rin naman kasi ako sigurado sakanya kung liniligawan niya ba talaga ako. Napahinto ako sa pag-iisip. Bakit siya ang bigla ko naisip?


"Wow! Bes, ang ganda mo naman. Babae ka ulit."

Napatingin ako kay Jeffrey. Asual gwapo siya sa black tuxedo, partida nag-palit lang siya ng damit pero umaapaw na sa kagwapuhan itong si Jeffrey. Hindi rin ako mag-tataka kung mamaya dudumugin siya ng mga babae.



"Bakit nandito ka? Hindi mo ba susunduin si Andrea?"

"Hindi na. Ihahatid na lang daw dito ni Andrew."



Si Andrea Jayne na kapatid ni Andrew ang nakabili kay Jeffrey nung pina-beeding ko siya. Galit na galit nga non si Andrew kay Jeffrey, pero wala naman nagawa si Andrew nung bilhin na siya ni Andrea.




"Jeffrey, mayroon ba nanliligaw kay Zennie? Ilan ba?" Tanong ni Ate Marie.

"Hmm? Ilan ba? Si Waeil, Andrew, Rehan, Storm at Hendery? Si Hendery hindi ako sigurado. Kaya bale four and half ang manliligaw ni Zennie." Tinignan ako ni Jeffrey. "Ang dami mo pala manliligaw, Bes. Ganda mo ha!"

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon