CHAPTER 32
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
Pag-akyat ko, didiretso dapat ako sa kwarto ni Storm, pero napatigil ako nang madaan ako sa tapat kwarto ni Waeil. Bukas ang pintuan nito ng konti kaya nadinig ko ang sigaw niya.
Sa pag-aalala ko sumilip ako ng konti at nakita ko sumisigaw si Waeil habang binabalibag ang ilang libro at notebook niya. Yung sigaw niya. Sigaw ng may kinikimkim sa kalooban.Mabilis ako tumakbo kay Waeil nang balak niya ibalibag ang lamp niya.
"Waeil," nag-aalala ko tawag pag-lapit ko.Hinawakan ko ang braso niya para pigilan ang balak niya pag-balibag sa lamp.
Dahan-dahan tumingin si Waeil sa akin. Mayroon ulit siya galos at sugat sa pisngi at ibabang labi.
Nakipag-bugbugan din si Waeil?
"Bitawan mo na 'yang lamp at lilinisin ko ulit iyang mga sugat mo." Mahinahon ko wika.
Napangiti ako sa kalooban ko nang dahan-dahanng ibinababa ni Waeil ang lamp at umupo sa kama.
"Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig." paalam ko.
Mabilis ako tumakbo pababa papunta kusina.
Pag-punta ng kusina naabutan ko roon si Yuta na kumakain pa rin. Hindi naman niya napansin ang pag-punta ko eh.
Mabilis na lang ako kumuha ng palagana at linagyan ito ng maligamgam na tubig, kumuha na din ako ng white towel sa isa sa mga kabinet dito. Pagkatapos ay mabilis ako nag-lakad papunta itaas.
Napatigil ako sa pag-lakad nang makarinig ako ng nabasag na baso mula sa kusina.
Baka naka-basag lang si Yuta.
Ipinag-patuloy ko ang pag-punta sa kwarto ni Waeil.
Pag-punta ko sa kwarto ni Waeil, mabilis ko ilinapag ang palagana dala ko saka ibinabad ang white towel at mabilis na tumabi kay Waeil.
Nakatulala lang nakatingin si Waeil sa lapag. Mukha nga hindi niya napansin na nasa nakabalik na 'ko eh.
"Lilinisin ko na mga sugat mo, Waeil." paalam ko sakanya bago ko ipahid ang bimpo sa mga sugat niya.
Hindi umimik si Waeil kaya pinahid ko ang bimpo sa mga sugat niya.
Habang pinupunasan ang mga sugat ni Waeil hindi ko maiwasan mapa-iling-iling. Sinasayang ni Waeil ang makinis niyang mukha dahil sa pakikipag-bugbugan.
Ang nakakapag-taka, hindi naman nakikipag-away itong si Waeil eh, hindi tulad ng lima mokong na lahat na lang pinapatulan ang lahat ng humahamon sakanila.
"May first aid kit box ka ba dito, Waeil?" tanong ko pagkatapos siya linisan ang mga sugat ng maligamgam na tubig.
Hindi sumagot si Waeil. Pumunta na lang ako sa banyo at tama nga ako nandito ang first aid kit box niya.
Tumabi ulit ako kay Waeil na tulala pa din. Nag-lagay ako ng alcohol sa kapiraso bulak pagkatapos ipinahid ito sa sugat ni Waeil."A-Aray," daing ni Waeil.
"Bulak na may alcohol lang pala ang makakapag-pagalaw sa'yo." Biro ko sabi.
"Sorry, Zennie. May sinasabi ka ba?"
Nginitian ko si Waeil. "Wala naman." naka ngiti ko sambit.
Ayoko ipakita na nag-aalala ako sakanya, na nanghihinayang ako sa gwapo't makinis niya mukha. Dapat happy lang. Dapat positive lang.
"Lagyan ko ng band aid iyang sugat sa ibaba labi mo at sa kanang pisngi." suggestion ko.Tumango lang si Waeil bilang sagot.
Agad ako kumuha ng dalawa band aid sa first aid box ni Waeil, at pag-tingin ko ulit kay Waeil natigil ako sa pag-hinga ng mga dalawa segundo sa pagka-gulat dahil sa mga titig niya sa akin habang nakangiti pa siya.
BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Fiksi RemajaNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...