CHAPTER 105
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
“Ang sakit na ng mga paa ko.” Reklamo ni Ten.
Mahigit isang oras na ata kami naka-tayo rito sa tapat ng close gymnasium.
LAHAT KAMI NGAYON nasa tapat ng close gymnasium. Pinag-iisipan namin kung papasok na kami para mag-take ng final exam o mamaya na lang kapag handa na kami lahat.
“Hindi pa ako ready!”“Mas lalo ako!”
“Ako rin, hindi ko pa kaya.”
LAHAT kami bangag, lahat kami wala pa tulog dahil sa pag-bantay sa'kin hanggang sa matanggal ang epekto ng drugs sa katawan ko. At higit sa lahat, NI ISA SA AMIN ay wala nakapag-review.
“First time ko hindi mag-review bago mag-exam.” Sabi ni Charlie.
Puro kami umaasa ngayon sa stock knowledge. Eh, amputangna. Wala naman ako na-i-stock na knowledge, puro stock lang. Puro stock na pagkain na gusto ko kainin ang nasa utak ko.
“Inaantok pa ako...” Sabi ni Theo.
Wala na nga stock knowledge, wala pa tulog. Puta, parang mas gusto ko na hindi mag-take ng final exam. Eh, parang babagsak din naman ako sa mga exam namin ngayon. Edi hindi na lang ako magpapagod mag-sulat.
“STORM LUCENA!”
NAPATINGIN kami lahat sa sumigaw na 'yon. Buong-buo ang boses at base sa boses eh galit pa siya sa galit.
Pag-tingin namin sa sumigaw eh pare-pareho kami lahat natakot. Si Yuta. Si Yuta, nakakatakot. Tang-na. Habang papalapit siya sa amin, mas lalo ko nakikita ang nakakatakot na itsura niya. Pulang-pula ang mga mata at lumalabas ang ugat sa sobra galit, yung mga kamao bilog na bilog eh mukha isang suntok lang ni Yuta taob ang susuntukin niya.
Tinignan ko si Storm. “Gago ka, ano ginawa mo kay Yuta? Ba't galit na galit 'yon sa'yo?”
“E-Ewan ko rin.”
“Storm, mukha hindi ka na aabot sa exam, pero ayos lang 'yon hindi ka naman din nag-review.” Sabi ni Gabriel. Gago amputa.
Gusto ko tumawa sa sinabi ni Gabriel. Sa itsura ng galit ni Yuta, mukha nga hindi na makakapag-exam si Storm.
“Storm, lumapit ka na kay Yuta baka madamay pa kami sa galit niya.” Natatawa sabi ni Theo.
“Oo nga. Mahal ko pa bubay ko.” Natatawa rin sabi ni Albert.
“Seryoso galit si Yuta.” Sabi ni Charlie. “Mukha wala sa sarili si Yuta.”
Tinigil namin ang biruan at tinignan ulit si Yuta. Mas malapit na si Yuta sa amin at mas kita na namin ang itsura niya. Nanlilisik na ang mata niya, yung kamao niya sa sobra pagka-bilog eh mayroon ng dugo. Tang-na. Bigla ako nakaramdam ng kaba. Para siya halimaw na galit na galit.
“Pigilan ninyo si Yuta! Pakalmahin ninyo! Baka kung ano magawa niya kapag hindi siya napakalma!” Taranta sigaw ni Charlie.
Mas lalo ako kinabahan. Parang . . . nakita ko na ang itsura ganyan. Nakakatakot. Nakakakilabot. Nakakanginig. Yuta, huwag please. Nag-mamakaawa ako.
Napatili ako nang mayroon kumalabit sa akin.
“Bes, ayo ka lang ba?”
Ano yung nakita ko? Imagination lang ko ba 'yon?
Tumango ako. “O-Oo, ayos lang ako.” Baka nga imagination ko lang iyon.
“Sige, Bes. Pipigilan lang namin si Yuta.”
Puta. Si Yuta! Si Yuta! Tinignan ko si Yuta. Galit na galit siya nang kwelyuhan niya si Storm.
Gago Storm naman. Ano kasi ginawa niya at galit na galit si Yuta ngayon?
Hindi ko alam, pero kusa gumalaw ang mga paa ko.
Bago pa masuntok ni Yuta si Storm eh tumakbo ako papunta sakanya at yinakap siya mula sa likod.
Pag-yakap ko kay Yuta bigla ako nanginig. Nanginig sa takot.
“Y-Yuta . . . ” Bulong ko ng nakapikit.
Maya-maya eh nakaramdam akong may yumakap sa'kin.
“Sumanasou . . . ” (Sorry...) Bulong ni Yuta. “Babawi ako.”
“N-Napakalma ni Zennie si Yuta...”“O-Oo nga...”
“Pa'no ginawa ni Zennie 'yon?”
Napa-dilat ako at tinignan si Yuta. “Bibilhan mo'ko ng suman?”
Hindi na nakakatakot itsura ni Yuta. Mukha kalmado na ulit siya. Buti naman at nahismasmasan na siya.
“Suman?”
“Oo sabi mo kasi suman... sumansa? Basta ganon. Suman tawag don, su-man. Bulol mo.”
Naiwan ang panga ko sa hangin nung i-pat ni Yuta ang ulo ko tapos... tapos... sunod niya ginawa....
“NGUMITI SI YUTA!” Sigaw ng iba Mokong.
Hindi ko matanggal ang tingin ko kay Yuta. Tang-na ngiti niya. Nakakahawa. Tipid lang ang ngiti niya pero daig pa sa sikat araw ang liwanag ng mukha niya. Ang.... Ang gwapo... Nakakalaglag ng puso.
“Ha!” Para ako mawawalan ng hininga nung mas linapad ni Yuta ang ngiti n'ya.
Ganito pala ngiti ni Yuta. Ang ganda. Nakakagaan ng pakiramdam.
“Sa tagal ko nakasama si Yuta ngayon ko lang nakita ang ngiti niya!”
“Picture-an mo Jero!”
“Oo nga! Gawin natin souvenir!”
“A-Ano teka, gusto ko din makita ngiti ni Yuta!”
“Picture-an, n'yo!”
Ano kaya nangyari kay Yuta at bigla siya ngumiti? Kanina lang eh para siya halimaw na lalapa ng tao, ngayon para siya tuta-ng sobra cute.
✿❯────「✿」────❮✿
NOTE :
Last 2 chapter + Epilogue.
BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...