CHAPTER 23
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
Lahat kami eh tahimik pa din.
Matalim pa din ang tinginan nila Storm at Jaylen.
Mas hinigpitan ni Jaylen ang hawak sa kamay ko.
Napatingin kami lahat nang bigla kunin ni Jeffrey ang kamay ko hawak ni Jaylen. "Kayo dalawa! Huwag ninyo madamay-damay si Zennie sa away n'yo!" Banta ni Jeffrey kina Storm at Jaylen.
Away? Magka-away sila. Pinagkibit-balikat ko iyon. Lahat naman ata sila magkaka-away.
Hinatak ako ni Jeffrey papunta sa locker namin.
"Best, kunin mo na din ang P.E. uniform mo." Mahinahon'g utos ni Jeffrey sa akin na sinunod ko.
Pag-kuha namin ng P.E. uniform hinawakan ako ni Jeffrey sa kaliwa wrist hand ko at hinatak ulit ako papunta pintuan. Nang bubuksan na ni Jeffrey ang pintuan nag-tanong pa si Storm.
"Saan mo dadalhin si Zennie?"
"Sasamahan ko lang siya mag-bihis."Pag-labas namin ng classroom saka ako nakahinga ng maayos. Grabe ang tensyon kanina sa pagitan nila Storm at Jaylen, akala ko mag-bubugbugan pa sila dalawa.
Pasalamat ako at wala na kami studyante nakakasalubong dahil afternoon class hour na.
Tumingin ako kay Jeffrey. "Jeffrey, salamat kanina ah. Si Jaylen naman kasi bigla hinigpitan ang pag-hawak sa kamay ko. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kanina." Paliwanag ko.Napatingin si Jeffrey sa akin. Para bang naagaw ko ang atensyon niya sa sinabi ko.
"Hinigpitan ni Jaylen ang pag-hawak sa kamay mo?"
Iyon pala ang naagaw ko ng atensyon niya.
"Oo. Mukha nanggigil kay Storm kaya hinigpitan ang pag-hawak sa kamay ko."
"Baka nga."
"Eh, Jeffrey, bakit ba magkaaway 'yong dalawa?"
"Maliit na bagay lang pinag-awayan nila hanggang sa lumaki."
Tumango-tango ako at hindi na ako nag-tanong ulit. Mukha ayaw pag-usapan ni Jeffrey ang tungkol sa away nila dalawa.
Maya-maya eh huminto kami sa pag-lakad nang makarating kami sa C.R. ng mga elementary students.
"Dito ka na mag-bihis. Babantayan kita."
Tumango ako at pumasok na sa C.R. Pag-pasok ko nag-hilamos ako at nag-bihis na. Pag-bihis ko eh lumabas na ako para si Jeffrey naman ang makapag-palit.
Mabilis na nakapag-bihis si Jeffrey. Kaya agad din kami nakabalik ng classroom.
Pag-bukas ni Jeffrey ng pintuan, upuan na lumilipad ang sumalubong sa amin. Muntik na nga ako tamaan mabuti na lang at mabilis ako nahatak ni Jeffrey kung hindi baka dumudugo na ang ulo ko ngayon.
Tinignan ko ang mga Mokong. Halos lahat sila nakapag-palit na din ng pang P.E. uniform. Ang buong classroom naman parang dinaan ng bagyo. Anag bag namin, lamesa, upuan, nat ang white board, may iilan gamit ang nasira.
Sina Jaylen at Storm nag-susuntukan. Pareho dumudugo ang gilid ng labi nila at isa sa mga Mokong walang umaawat sa dalawa.
Sinuntok ni Storm si Jaylen sa kanan labi, dahilan para matumba si Jaylen. Lmuhod si Storm at kinuwelyuhan niya si Jaylen.
"Huwag mo ako susubukan ngayon!" Sigaw ni Storm.
Susuntukin ni Storm si Jaylen nang mahawakan ni Jaylen ang kamao ni Storm saka niya ito mabilis na sinuntok sa kaliwa pisngi.
Si Storm naman ngayon ang tumba.
Lumuhod si Jaylen at kinuwelyuhan si Storm. "Scared?" Ngisi tanong ni Jaylen.
Hindi ko alam sa sarili ko, pero kusa napatakbo sakanila dalawa nang balakin suntukin ulit ni Jaylen si Storm.
Mabilis ko hinawakan ang kamao pang-susuntok ni Jaylen kay Storm.
Pag-hawak ko sa kamao ni Jaylen ramdam na ramdam ko ang panginginig nito sa sobra galit.
Saka lamang nagsi-lapitan ang mga Mokong sa dalawa at hinawakan sina Jaylen at Storm.
"Ano ba bitawan n'yo ako!" Sigaw ni Storm habang nag-pupumiglas kina Theo, ABC, Waeil, at Yuta na hawak siya sa magkabila-braso nito.
"Kulang pa ang suntok ko sa gagong 'yan!" Sigaw ni Jaylen na nagpupumiglas din kina James, Jero, Andrew, at Rehan.
Nagulat ako nang bigla pumagitna si Jeffrey sa dalawa.
"Kung gusto ninyo mag-suntukan at mag-balibagan ng upuan doon kayo sa open field. Huwag dito na kamuntikan tamaan si Zennie ng lumilipad na upuan!" Galit na sigaw ni Jeffrey.
Pagkabanggit ni Jeffrey ng pangalan ko bigla nagsi-tinginan sa akin ang mga Mokong.
Nagulat ako nung mabilis lumapit si Hendery, Andrew at Rehan sa akin. Sabay-sabay nila ako tinanong kung ayos lang ako.
Bubulyawan ko dapat sila nang makarinig kami ng sigaw.
BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
أدب المراهقينNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...