CHAPTER 43
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
"Jusko, sumasakit ang ulo namin sainyo---Alex, Kendrick, at Jeffrey ang kamay, gusto ninyo bang lagyan ko ng sampu libro ang mga kamay n'yo?" Sigaw ni Ma'am CloudynLigtas nga kami lahat nakalabas ng classroom, pero hindi kami naka-ligtas sa sermon at parusa ng teachers namin.
Nandito kami ngayong sa open field habang kami Section Ares magkakalayo na naka-skwat habang nakataas ang mga kamay sa ilalim ng kainitan ng araw.
Parang gusto ko na lang na mag-kulong kaming walo ulit sa classroom, tapos lalabas na kami kapag moving up na.
"Kenneth, Charlie, Gabriel, James, Jero, Yuta, Jaylen at Zennie, sabihin ninyo nga sa amin kung bakit naisipan ninyo palitan ang lock ng pintuan at bintana at nag-kulong roon ng isang araw?! Ano pumasok sa isip ninyo at ginawa ninyo iyon?!" Sigaw ni Sir Aron.
Lumipas ang isang minuto pero wala ang sumagot sa aming walo.
"Sorry po, Teacher kasalanan ko po." pikit mata ko sabi.
Maya-maya ay tumingin na rin ako kay sa teachers na nakatayo sa harapan namin.
"Okay Zennie, explain." Utos ni Sir Robert.
"Pagkatapos ko po makita na pang rank23 lang po ako, nadismaya po ako sa sarili ko. Ilang araw ako nag-puyat sa pag-rereview, hindi ako nakakain ng maayos, tapos mag-ra-rsnk23 lang ako?"
Sige Zennie, galingan mo pa mag-sinungaling. Bwisit ka, kahit mag-top150 ka wala ka pake eh.
"Pagka-kita sa rankings sa bulletin board, pumunta ako sa classroom namin. Tapos . . . " Tapos ano?
Tumingin ako sa kaliwang side ko kay Yuta
Tumingin din si Yuta sa akin.Pagkatapos ko makita si Charlie, hindi ko na maalala kung ano ang sunod na nangyari, basta na lang ako nagising kinabukasan, kanina.
"Tapos, Zennie?" Tanong ni Ma'am Mildred
"T-Tapos po, parang tinamad po ako mag-aral, kinumbinsi ko po yung pito na, mag-kulong kaming walo ng buong isang araw." Pag-sinungaling ko.
Kung mailalagay ito sa report card ko, eh ayos lang naman sa akin. Wala naman na'ko striktong magulang na mag-sasaway sa akin. Eh, yung pito? Lalo na si Charlie, may mga magulang pa sila na papagalitan sila, kapag nailagay ito sa report card nila.
"Kayo naman, bakit pinagiba ang pader ng classroom ninyo?" Sigaw ulit ni Ma'am Cloudyn."Napag-tripan lang PO." Sagot ni Storm.
"Napag-tripan?" T anong ni Ma'am Cloudyn, na mukhan suko na sa dahilang ibinigay ni Storm. "At sino naman pasimuno ng pangtitrip na 'yan?" Nauubusang lakas na tanong ni Ma'am.
Kawawa naman si Ma'am Cloudyn, paubos na ang lakas sa amin, eh nakakatatlong bwan pa lang kami ng pasok.
"Me." Sagot ni Storm.
BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Novela JuvenilNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...