CHAPTER 87
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
Naging mahalaga na sa akin bawat isa sa Section Ares at ipinangako ko sa sarili na hindi sila iiwanan hangga't hindi sila mga masaya, pero ito kami ngayon tahimik at walang kabuhay-buhay na nag-lalakad papuntang bulletin board.
Pag-dating namin sa harapan ng bulletin board ay naabutan namin ang kumpol-kumpol na mga studyante. Walang isa sa amin ang sumigaw o nagpaalis sa mga nakaharang na studyante sa harapan namin hindi tulad ng dati.
May isang studyante lalaki ang nakapansin sa amin tapos kinalabit ang kasama hanggang sa isa-isa na magsi-alisan ang mga studyante sa harapan ng bulleting board.
Nang kaming Section Ares ang natira sa harapan ng bulletin board ay saka lang kami lumapit.
Na-ibuka ko ang bibig ko nang makita ang resulta ng rankings. May mga bumaba may mga tumaas tulad ni Waeil na nasa rank number one, sunod si Charlie tapos ay si Jeffrey. Mas nagulat ako nang pumadausdos pababa ngayon sarank number 145 si Rehan.
Tinignan ko si Rehan pero nakaalis na pala siya.
Tinignan ko ulit ang rankings baka naduling lang ako, pero hindi. Nasa rank 145 si Rehan. Ang malala pa ay ang ibang Section Ares ay nahiwalay hanggang sa rank number 23.
Pagkatapos tignan ng Section Ares ang rankings ay isa-isa sila nagsi-alisan sa harapan ng bulletin board hanggang sa kami na lang ni Storm ang natira rito.
“Zennie,”
Tinignan ko si Storm nang tawagin ako ng hindi siya tumitingin sa akin.
“Sana huwag mo isipin na hindi ako seryoso sa iyo dahil hindi ako naging rank one.”
“Storm . . . ” Kahit hindi ka naman maging rank one ay papayag pa rin ako na sakupin ko ang puso mo ng wala kapalit.
“Ipagawa mo na ang lahat sa akin para patunayan ang sarili ko sa'yo, pero huwag ang maging rank one ulit.” Mahina wika ni Storm saka siya umalis at iniwan ako.
Umalis na din ako sa harapan ng bulletin board at naglakad-lakad sa campus ng HIS. Bahala na kung saan ako makarating.
Ilang linggo na ang nakakalipas nang hindi na bumalik si Mark sa boarding house at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami bumabalik sa dati. May ilan na pilit na pinagaan minsan ang atmosphere pero hindi nagiging sapat iyon para maibsan ang kalungkutan namin.
Kung noon eh lahat sila bago mag-exam hindi magkanda-uga-uga sa pag-re-review ngayon, maski tignan ang white board hindi na nila magawa. Mukha ang iba sakanila ay nawalan ng interes sa mga rankings na iyan.
Hindi ko sila masisi kung mawalan sila interes sa rankings na iyan. Nang dahil sa mga numero ay hindi nila na-e-enjoy pagiging teenager at ang iba naman ay tinuturing na ka-kumpetensya ang kaibigan.
“Kaibigan? Bakit totoo ko ba kayo kaibigan? May totoo ba pagka-kaibigan sa Section Ares?!”
Napakasakit marinig mula sa tinuring mo kaibigan at pamilya na marinig na hindi ka niya pinagkatiwalahan nang dahil sa hinahangad niyang numero. Nasira ang tiwala sa kaibigan nang dahil sa mga numero.
Ngayon napapatanong ako sa sarili ko, kung sino mayroon sa Section Ares ang patago hinahangad ang rank one at hindi tinurturing kami kaibigan?
BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Dla nastolatkówNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...