Stay safe and Stay healthy ❤❤❤❤
×××
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
"Zennie, masakit."
Diinan ko pa ang pag-pahid ng bulak na may betadine sa sugat sa ibaba labi ni Yuta.
"Zennie!"
Tinanggal ko na ang bulak sa labi ni Yuta at inabot sakanya ang yelo na nakabalot sa bimpo."Buti nga sa'yo."
Bwisit kasing Yuta. Ang lakas hamunin 'yong, Yuichi kanina wala naman pala binatbat sa lalaking 'yon.
Mabuti nga at galos at sugat lang sa mukha ang inabot ng Yuta na 'to sa Yuichi-ng 'yon.
Nandito kami dalawa ni Yuta sa condo niya. Ayaw pa nga niya ako isama, pero nag-pumilit ako para linisan ang natamo mga sugat dahil sa kayabangan niya kanina.
Nag-libot na ako sa condo ni Yuta. Malaki at maganda ang condo ni Yuta. May dalawa kwarto, may first floor at second floor, tanaw din sa veranda niya ang city. Kaya maganda din ang pwesto nitong condo unit ni Yuta. Kumpleto ang mga gamit.
"Sino nga pala yung, Yuichi?"
"My older brother."
"Kaya pala gwapo din."
Bigla napatingin si Yuta sa akin na parang may nasabi ako masama.
"Bakit?" Inosente ko tanong.
"Tsk."
"Gwapo siguro lahi n'yo noh?"
Kasi si Yuta gwapo, tapos si Yuichi mas gwapo. Pareho pa mahilig sa away.
"Bakit kasi ayaw mo pa pakasalan si Sheryl?" curious ko tanong. "Maganda naman si Sheryl, supistikada tignan, may class, lakad pa nga lang niya masasabi mo na 'Ah mayaman 'to, may pinag-aralan 'to.' At higit sa lahat, obvious naman na gusto ka niya."
Tumingin sa diretso sa mga mata ko si Yuta. "I'm not inlove with her."
Napanguso ako at napatango-tango. "Ay 'yon lang."
Kahit ano pa maganda katangian ng isang tao, kung hindi mo naman siya mahal, wala din."Eh, sino ba ang gusto mo?" curious ko tanong.
Kung ayaw niya pakasalan si Sheryl, sigurado may iba na 'to gusto--- baka nga mahal na? Bakit naman makikipag-bugbugan si Yuta para lang hindi maikasal sa iba?"None of your business."
"Sungit mo. Dapat business ko na din 'yon, nadamay kaya ako sa pag-dukot sa'yo kanina!"
"Tsk."
"Sige ganito na lang, kung ayaw mo sabihin kung sino ang gusto mo. Sabihin mo na lang yung tipo mo babae."
BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...