CHAPTER 59

1.1K 48 10
                                    

CHAPTER 59
 

 

ZENNIE ' s POINT OF VIEW

Malungkot.

Magmu-mukmok.

Hindi makakain.

Hindi makakausap.

Mag-tutulala.

Hindi makaka-ngiti.

Madidismaya.

Mag-aalala kami.
 

Iyan ang akala naming gagawin at mararamdaman ni Hendery pagka-gising niya pagkatapos magkaroon ng sprained sa ankle. Nakahanda na nga kaming lahat sa kanya-kanya pakulo namin para hind niya maramdaman ang mga iyon.

Pero ito siya ngayon uma'attend sa intrams at todo suporta pa rin sa mga Mokong na mag-lalaro. Kaya lang naka wheel chair dahil nga bawal pa ipanglakad ang kaliwang paa niya.
     
Kung nung mga nakaraang araw eh ang mga bag na dala namin ang laman mga pagkain, ngayon mga gamot at gamit panggamot kay Hendery. Natatawa na nga lang kami dahil para kaming may alaga bata.
 
Si Jaylen, ang tagapalit ng kung ano-ano sa paa ni Hendery. Sina Johnny, Gabriel, Alex, at Theo naman ang nagpapaligo at nagbibihis kay Hendery. Yung walang ginagawa sila naman nagpapalitan para itulak ang wheel chair. Ako naman ang taga pakain ni Hendery, s'ympre tuwang-tuwa ako dahil kung ano pagkain ng may sakit eh pagkain ko din.
 
 

Ngayon nandito kaming lahat sa cafeteria at kumakain ng meriandang libre nila Jeffrey, Alex, Andrew, Gabriel at Waeil. Ang dami nga eh may spaghetti, carbonara, limang box na malaking pizza, nachos, mojos, at pito pitsel ng ice tea. Dahil last day na ng intrams ngayong araw, nagkaron kami ng oras na makapag-canteen.

Hindi na din ganoon kadami ang laro ng mga Mokong, dahil halos tapos na lahat. Sa volleyball male, champion na ang Section F. Sa  swimming, champion na si Alex.  Sa marathon champion na din kami at siyempre sa tennis talo kami. Sa basketball, hinihintay na lang namin ngayon kung sino ang makakalaban ng mga Mokong.
  
 
“Uy! Penge ako ng spaghetti!” 
  
Agad naman nila inabot sa'kin ang spaghetti.

Pagkalagay ko ng spaghetti sa plato ko, tumingin ako sa katabi ko si Hendery.
  
“Gusto mo din ba?” Tanong ko sakanya.
 
“Oo, My Labs ko.” Ngiting sagot ni Hendery, kaya linagyan ko din ng spaghetti ang plato niya.
 
“Ayaw mo ng carbonara?” Tanong ko kay Hendery nang makita hindi ginagalaw ang carbonara niya.
  
“Hindi ako mahilig sa carbonara, tinikman ko lang.”

“Ano ba 'yan edi sana nakisubo ka na lang sa'kin. Amina 'yang carbonara mo,”

“Ano gagawin mo, My Labs ko?”
 
“Edi kakainin ko.”
   
Kinuha ko ang plato ni Hendery na may carbonara. “Akin na lang 'to ha?” Paalam ko sakanya habang linalagay sa plato ko ang carbonara.
 
“Linalagay mo na kaya sa plato mo, My Labs ko.” Natatawa sambit ni Hendery.
 

Natawa ako sa sinabi ni Hendery. Aba talaga naman eh.
  

“May salubong ang kilay dito!”
“May mababali na ang tinidor dito!”
“Mukha may mambabalibag na dito!”
  
  
“Hendery?”
“Bakit, My Labs ko?”
 

Napangiti ako nang humarap si Hendery sa akin may sauce yung gilid ng labi niya. Ang laki-laki tao pero para bata kumain. Mukha gustong-gusto ang spaghetti kaysa sa carbonara.  

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon