CHAPTER 17

1.4K 62 10
                                    

Chapter 17



ZENNIE ' s POINT OF VIEW


"Charlie Dela Merced, out."



Binura ko na ang pangalan ni Charlie. Ang natitira na lang na candidate bilang class President namin ay sina Rehan at Storm.




Ipinag-patuloy namin ang pag-class officers ngayong last subject. Mayroon na kami muse, s'yempre ako iyon atsaka ng vice president, si Waeil.


Hindi na kami nag-lagay ng iba pang officers tulad ng secretary, hindi na namin kailangan iyon dahil may kanya-kanya na kami libro. Treasurer, wala naman raw kami iba na babayaran. Sargent at Arms, mas lalo hindi namin kailangan iyon dahil sila-sila lang ang nag-aaway-away at sila-sila rin ang nag-aawatan.




"Ano ang nilalaman ng Article 3 section 1?"




Napakunot ang noo ko sa tanong na iyon ni Ma'am Cloudyn. May makakasagot kaya non? Eh, ako nga ngayon ko lang narinig 'yon.



Sa totoo lang kanina pa sumasakit ang ulo ko mag-mula mag-botohan ng class Vice President. Kung ano-ano tanong ang naririnig ko kay Ma'am Cloudyn na hindi ko maiintindihan tungkol sa math, science, history, planets at kung ano-ano pa.




"Five minutes, start."




May maliit sila white board na susulatan. Ang una makasagot siya ang panalo.



Kanina si Waeil, wala kahirap-hirap sinagutan ang bawat tanong at sa sampu tanong ni isa roon wala mali si Waeil.




"Three minutes and forty-five seconds, left." announce ni Ma'am Cloudyn.




Lahat kami tahimik. Tangi ang aircon lang maririnig sa bawat sulok ng kwartong ito.



Tinignan ko sina Storm at Rehan. Isa sakanila ay wala nag-susulat sa maliit na white board nila.




"Three minutes and thirty-five second."




Hindi puwede manalo si Storm. Ayoko siya ang maging class president. Sigurado ako, puro katarantaduhan lang alam niyan.




"Three minutes left."




Huminga ako ng malalim.


Inumpisahan ko galawin ang mga balikat ko pakanan at paka-liwa pagkatapos itinaas ko ang aking mga kamay sabay sigaw ng, "Gooo Rehan!"


"Go! Go! Rehan!" Sigaw ko habang ang kamay ko ay linalagay ko pakanan at pa-kaliwa at pinapaikot-ikot ito. "You can write that!" sabay sulat ko sa hangin, pagkatapos ay tinuro ko ang white board ni Rehan. "You can answer that!" sabay turo ko ulit sa white board niya. "You can do it! Gooo Rehan!" sabay palahad na turo ko sakanya.

Pagkatapos ko pag-cheer si Rehan, pakiramdam ko mas lalo tumahimik sa loob ng classroom at ang mga tingin nila lahat parang may ginawa ako katarantaduha




"Oh? Bakit?! Mag-sulat ka na Rehan!" sigaw ko na lang.



"Hoy! Boy emoji!" Sigaw ko kay Hendery.


Tinuro ni Hendery ang sarili niya. "Ako?" taka tanong nito sa akin.


"Oo ikaw! Tara dito sa harapan ipag-cheer natin si Rehan!"


"Ano? Ayoko nga!"


"Dali na!"


"Ayoko nga! Wala naman ako mapapala kapag ginawa ko 'yan."


"Rereplayan na kita?" Patanong ko sabi.



Ilang araw na kasi ako kinukulit na replayan ko naman daw siya sa mga text sa'kin. Kaya iyon ang naisip ko para mapapayag siya.




"Go Rehan! Go Go Rehan!" Bigla sigaw ni Boy Emoji papunta dito sa harapan


Nang nasa tabi ko na si Boy Emoji eh sabay na kami nag-cheer para kay Rehan at maya-maya eh nakicheer din ang pito pa kaibigan ni Rehan sa kanya-kanya na pwesto nila.

"Go! Go! Rehan! You can write that! You can answer that! You can do it! Gooo Rehan!" Pag-cheer namin.





"Time's up!"





Lahat kami nag-sisigaw tumahimik na. Inihanda ko na din ang marker ko para isulat ang pangalan ng magiging class president namin--na sana ay si Rehan.



Pumunta rin sila lahat dito sa harapan, kanina kasi ay nasa bawat sulok sila ng classroom na ito.



"Ipakita na sa amin ang sagot ninyo!"

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon