CHAPTER 41
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
"Kunin ninyo na ang lasingerong 'yan," Utos ni Ma'am Cloudyn kina Hendery at Jeffrey na nandito sa labas ng boarding house para hintayin kami.
Binuhat na nila Hendery at Jeffrey si Storm na tulog papasok ng bahay.
"Zennie, ikaw na ang mag-pasok nitong maleta ng pasaway ko kapatid."
Tumango ako at kinuha ang maleta ni Storm.
Kaya naman pala nasa bahay nila Ma'am si Storm eh magkapatid sila. Ni hindi sumagi sa isip ko na magkapati sila dalawa kahit na pareho ng apelyido.
"Nakuha ko naman na ang size mo, kaya h'wag ka na mag-aalala sa gown mo at sa iba pang gastusin sa pageant, ako bahala sa lahat basta mag-practice ka lang."
Nahihiya ako ngumiti. "Salamat po, Ma'am. Pero, nakakahiya ata na kayo gagastos sa lahat, hindi naman sigurado kung mananalo ako."
"Ngayon pa lang, para sa amin panalo ka na. At isa pa, sa batch ng section Ares ngayong generation, ito ang kauna-unahang may sasali sa ganitong event ng HIS." Nakangiti wika ni Ma'am . "Sige mauuna na ako." Tapos nag-lakad na papasok sa kotse si Ma'am at umalis.Pumasok na din ako sa loob at pag-pasok ko napahinto ako sa sala nang makita ko ang lahat ng Mokong nandito, bukod. Si Storm nasa sofa habang tulog pa rin.
"Zennie, doon ka." turo ni Rehan sa mahabang sofa na pang-animan.
Pumunta ako sa sofa at umupo sa gitna.
"Anong . . . meron?" Taka ko tanong sakanila. "Ayaw n'yo umupo?" tanong ko sa mga nakatayo. Ang dami nila nakatayo, eh mag-isa lang ako sa pang-animan na sofa.
"Bunso, Mikael at Johnny, p'wede n'yo tabihan si Zennie." utos ni Rehan at ayon nagsitakbo ang tatlo papunta dito sa tabi ko.
"Kanina pa kayo nakatayo?" tanong ko kay bunso, kay Kendrick na nasa kaliwang side ko."Oo, Zennie. Kanina pa pag-uwi namin."
Kaya naman pala mga naka-uniform pa sila.
"Hoy, Rehan, bakit ako hindi mo pinaupo katabi si Zennie?" Apila ni Alex.
"Wala ako tiwala sa'yo." Sagot ni Rehan.
"Hah! Grabe ka!"
"Grabe ka rin, mambabae."
Hindi nakasagot si Alex sa huling hirit ni Rehan sakanya.
"Ngayong kumpleto na tayo sasabihin ko na ang rules sa bahay na 'to." Announce ni Rehan.
Kaya naman pala kumpleto ang lahat, magkakaroon na ng rules.
"Rule number one, wala mag-iingay." Saad ni Rehan.
BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...