CHAPTER 19

1.4K 58 7
                                    

CHAPTER 19



ZENNIE ' s POINT OF VIEW




Pag-labas ko ng bahay napa ngiti ako nang madatnan ko roon si Rehan.



"Good morning, Zennie." Naka ngiti bati nito sa akin.



Tumakbo lumapit ako kay Rehan. "Good morning!" Masaya bati ko sakanya. "Ano ginagawa mo dito?"



"Sabay na tayo pumasok."



"Oo naman!"



Agad ko hinawakan ang isang kamay ni Rehan. "Exited makasama ako?"



"Tangek, si Sto---"



"Hoy! Hinayupak na babae! Bakit mo hawak kamay niyang lalaki 'yan?!!"


Ere sinasabi ko sa hula eh.


"Tara na!" sigaw ko sabay hatak kay Rehan.




"Hoy! Hinayupak na babae! Humanda ka sa akin kapag naabutan ko kayo niyang si Rehan!" Dinig naming sigaw ng Tukmol habang patakbo kami palayo ni Rehan sa boarding house namin.





"Doon! Doon tayo kay manong guard, dali!" sabi ko.




Tumakbo kami papunta sa pwesto ni Manong guard at nakiusap na mag-tago kami saglit doon. Mabuti na lang at pinayagan kami.




Nung dumaan si Storm dito tinanong niya si manong guard kung dumaan na kami, mabuti na lang at nasabihan ko si manong guard na huwag kami ituro ni Rehan. Sabihin na nakaalis na kami.



"Wala na po si Storm."


Nag-pasalamat kami dalawa ni Rehan kay manong guard at iniwan namim siya doon.



Ngayon nag-lalakad na kami dalawa ni Rehan papunta terminal ng bus Malapit lang naman ang HIS sa village na tinitirhan namin. Pwede mag-jeep o kaya bus lang.





"Ano ba ang nangyayari, Zennie? Bakit mo tinatakasan si Storm?"



"Napaka kulit niya. Kahapon pa. Gusto ako isabay sa pag-pasok, eh ayoko nga. Kahapon nga nakasakay na'ko sa jeep hinarangan pa para lang makasabay ako sakanya. Parang tanga, diba?!" Iritado k'wento ko kay Rehan.





Nag-salubong ang kilay ko nang pag-tawanan ako ni Rehan. Ano nakakatawa sa kinuwento ko? Ako nga inis na inis na, siya tatawanan lang ako!




"Oy! Bakit ka tumatawa d'yan?"



"Zennie, hindi kaya may gusto ka kay Storm?"



"Ulol!" Ba't naman niya naisipan 'yon.



"Tulad ka pa rin ng dati,"



"Ha?"



"Naalala mo ba kapag tatabihan kita? Sobra iritado mo din sa akin noon, sa sobra pagka-irita mo nakikipag-palit ka pa ng pwesto para lang hindi mo ako matabihan."





Naalala ko ang kwento ni Rehan.



Tatluhan ang upuan namin noon, tapos siya hindi ko naman katabi pero araw-araw ako tinatabihan kaya ang ginagawa ko nakikipag-palit ako sa mga kaklase namin na sa gitna na lang nila ako para hindi ako matabihan ng bwisit na si Rehan.




"Syempre," Natatawa ko sabi. "Hindi ko makakalimutan lahat ng pang-b-ubwisit mo nung mga bata pa tayo." May konting inis sa boses ko.



Tuwing maalala ko pang-iinis sa akin ni Rehan noong mga bata kami, hindi ko talaga ang maiwasan'g hindi mainis sakanya lalo na nung huli ko na nalaman sa sarili ko may gusto rin ako sakanya, noon.




"Kamusta ka na nga pala, Zennie?"



"Ito, ganoon pa din? Basta ayos lang." Pilit ngiting sagot ko.



"Hindi mo ba ako kakamustahin?"



"Edi, kamusta?"



"Ito. Maayos."



"Tinanong-tanong mo ako kamustahin ka, tapos kinamusta kita. Tapos 'maasyos' lang ang isasagot mo?"



"Edi mas gumawapo ako. Hahaha!"



"Ulol mo, gag-o ka." Totoo naman kasi.



Humarap sa akin si Rehan. "Oy! Zennie nagiging palamura ka na."

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon