CHAPTER 14

1.4K 60 8
                                    

CHAPTER 14
 

ZENNIE ’ POINT OF VIEW


Ang akala ko eh tapos na sila mag-away pero ito nanaman at nagtatalo nanaman sila.

   

“Ako ang nauna nag-taas ng kamay!”

“Ako kaya ang nauna nag-taas ng kamay!”

“Paano mo nasabi ikaw ang nauna?”

“Nakita ko si Storm!”

“Hindi. Nakita ko si Hendery!”

“Si Charlie ang nauna!”
   
  

Nag-aaway sila kung sino ang una nag-taas ng kamay na sasagot sa Math problem na pinapasolove ni Sir Robert
 
 
Sa ganito bagay mas maganda manahimik na lang ako, baka ako pa matawag para mag-pasolve. Wala pa naman ako naiintindihan sa lesson namin ngayon.
   
     

“Si Storm nga!”

“Si Hendery nga!”

“Si Charlie nga!”
    
  

Mag-mula n'ong second subject namin ganito na sila. Simple galaw o sabihin ng isa may sasabihin yung dalawa grupo at mag-hahamon na ng away ang bawat grupo.
   
  
   
“Ano sapakan na lang ang una matumba hindi na mag-tataas ng kamay oh?!”

“Akala n'yo uurungan namin kayo? Game ako d'yan!”

“Tara ng matapos na 'to!”
 
   
 
At ayan sabay-sabay sila mga nagsi-tayuan maliban  kay Yuta na natutulog at kay Waeil na nakamasid lang.
  
   

“Magsi-upo kayo lahat. Wala na ang mag-sasagot sainyo tatlo. Zennie ikaw na ang mag-sagot ng problem.”
 
  

Napatingin ako kay Sir Robert.  Nanahimik ako dito eh.
 
 
  
“Ako po? Sila lang po ang mga nag-aaway ah.”
 
 
“Iyon na nga eh, makikipag-sapakan muna sila bago mag-sagot, kaya ikaw na.
   

“Ih, Sir,”   hindi ko pa nga gets yung lesson.
 
 
“Bilis na.”
  
   
Tumayo na'ko.

  
 
Tinignan ko muna ng matalim na tingin sina Storm, Hendery at ang bwisit na James na nakikipag-away para kay Charlie. Parang mga ewan naman kasi sila. Kung bakit kasi hindi na lang pag-bigyan ang isa para hindi ako nadadamay.
 
  
 
Hindi pa kami nakaka-isang araw na magkakasama sa iisa classroom, pero ang dami na ng away ang naganap, paano pa kaya ang mga susunod na araw?
 
 
 
Hindi talaga maganda ideya ang pagsama-samahin ang buong Section Ares sa iisa classroom eh pati ako nadadamay sa away nila.
 
 
 
Tulad kanina lunch break.
  
 
 
Inaya ako ni Rehan at Hendery na sakanila sumabay kumain ng lunch, papayag na sana ako para naman magkamustahan kami ni Rehan, kaso si Jeffrey inaya rin ako na sakanila sumabay kumain. Dahil d'on muntik nanaman mag-suntukan si Hendery at Jeffrey, mabuti na lang at tinawagan ako ni Brena na kasama niya yung si Andrea Jayne kaya sakanila ako sumabay kumain ng lunch at nagpa-interview kay Andrea Jane kaysa sumabay sa mga mokong.
  
    
Ang sakit nila sa ulo.
     
      
 
   
“Go My Labs ko!”

“Go Bes!”

“Hoy! Tigilan mo nga pag-cheer sa Bes ko!”

“Ako ang una nag-cheer, kaya ikaw ang manahimik!”

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon