CHAPTER 100
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
Naging maayos ang play kahit na wala si Storm. Wala ang isa sa amin may-alam kung nasaan siya, basta nag-text siya kay Jaylen na mayroon siya emergency pupuntahan. Lahat nga kami nagulat kung ba't kay Jaylen nag-text eh magka-away yung dalawa, sa hindi namin malamang dahilan.
Mabuti na lang at medyo assuming si Hendery kaya nakapag-play pa rin kami kahit na pati yung costume dinala ni Storm. Apat na beses kami nag-play dahil sa dami ng tao pumunta. Hindi rin namin inakala na ganon tatagal yung play, kaya dapat talag may talent fee kami eh.
Naalala ko tuloy yung mga ngiti ni Hendery kanina habang pinapalitan ang ibang script. Sa apat na beses namin nag-play, tatlo beses pinalitan ni Boy Emoji ang script para daw hindi boring at hindi paulit-ulit.
BUKAS. Bukas final exam na namin. Iyon na lang ang iintindihin namin lahat tapos, tapos na ang pag-hihirap namin at mag-babakasyon na sa wakas!
Pag-punta ko ng C.R. tinignan ko ang inodoro.
Puta. Paano ako iihi nito? Ang laki ng gown ko.
Pagkatapos na tapos ng huli play namin tumakbo dito sa C.R. para umiihi. Sa sobra tagal naman kasi namin kanina at kaba, isa galon tubig ata ang linagagok ko.
Bahala na nga, kahit mabasa 'tong gown na suot ko.
Pagtapos ko umihi nag-hugas ako ng kamay bago lumabas ng banyo.
Pag-labas ko ng banyo nagulat ako nung may sumulpot na dalawa lalaki nakatakip ang buong mukha, bago pa ako makagalaw eh nawalan na ako ng malay.
━━━━━━ • ✿ • ━━━━━━
JEFFREY ' s POINT OF VIEW
HUMANDA SA AKIN SI STORM kapag nakita ko siya sa pag-iwan niya kay Bes, Isa pa team ZenTorm ako tapos kay Jaylen siya nag-text.
“Bes?!” Tawag ko pag-punta ko rito sa banyo.
“Bes, matagal ka pa ba?!” Sigaw ko ulit.
Bakit hindi sumasagot si Bes? Nakain na ba siya ng bowl? O nakatulog sa sobra pagod?
“BES! Tara na!”
Hindi pa rin sumasagot si Bes. Hindi na maganda ang pakiramdam ko rito.
Pumasok ako na ako sa loob ng banyo at tinignan ang bawat cubicle.
“Tanga*na!”
Wala si Bes sa kahit saang cubicle. Mabilis ako tumakbo palabas ng banyo at dumiretso sa parking lot kung saan nag-hihintay ang buong Section Ares.
“Nasaan na si Zennie? Para makauwi na tayo.” Bungad ni James.
“NAWAWALA!” Taranta ko sigaw.
BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...