CHAPTER 25

1.3K 51 7
                                    

CHAPTER 25


ZENNIE ' s POINT OF VIEW





"Best, pakapit ako sa braso mo."



Nanlalambot na idinikit ni Jeffrey ang braso niya sa braso ko kaya agad ko kumapit roon bago pa ako matumba ng tuluyan.




Sabay-sabay kami ngayong ngbuong Section Ares na nanlalambot sa pag-lakad papunta classroom. Lahat kami puyat, galing sa byahe at kailangan pumasok ng maaga.



Mukha na nga kami zombie sa laki ng eybags namin. Ang pinagka-iba lang eh, sila ang gugwapo pa rin samantalang ako, huwag na banggitin.




"Hinayupak na babae, mas lalo ka pumangit."






Inirapan ko na lang si Storm. Wala ako lakas makipag-talo sakanya sa wala kwenta bagay. Atsaka totoo naman, kung ikukumpara sakanila.







Napahinto kami lahat sa pag-lakad nang humarang sa amin si Brena at ang isa niya kasama. Iyong maganda pero ang salita pang-alien.






"OhMyGG as in OhMyGolliGosh! You are all mukha zombie na still gwapo, specially you My Rehan."





Sinuway ni Brena ang kasama niyang alien mag-salita.





"Ano nanaman kailangan mo, Brena?" Wala gana tanong ni Storm.



"Inutusan ako ni Sir Aron na ihatid kayo lahat sa open field." Sagot ni Brena.

"Bakit daw?" Tanong ni Rehan.


"She didn't alam din, My Rehan!" Masigla sagot nung kasama ni Brena.



Tumango-tango lang si Rehan na parang sumasakit ang ulo sa kasama ni Brena. Sino ba hindi? Puyat at pagod kami tapos salitang alien ang maririnig namin?




"Let's go, section Ares." Wika ni Brena at nag-umpisa na sila mag-lakad ng kasama niya.








Wala kami nagawa kung hindi ang sumunod sakanila. Pinapatawag raw kami eh.




Ano naman kaya ang gagawin namin sa open field ng ganito kaaga?



Pag-dating sa sobra lawak na open field eh lalo kami nanlambot lahat dahil sa sobra init. Bakit naman kasi hindi palagyan ng bubong itong open field eh.






"Thank you, Brena." Pasasalamat ni Sir Aron. "And you, Nicole," turo sa kasama ni Brena.


"What about ako? Sir."



"Why are you here?"

"Because I want to makita, My Rehan. Gosh! Why are you negteteneng like thet! I'm making shy tuloy."





Anak ng tokneneng na iyan! Mas malala mag-salita ang Nicole na ito kapag kinikilig.



"Hanggang ngayon pala may gusto ka pa din kay Rehan? Osige, Salamat din sa'yo, Nicole. P'wede na kayo umalis."





Ayaw pa umalis nung Nicole, mabuti na lang at nadaan siya ni Brena sa pag-hatak.

"Anong eksakto oras kayo nakadating dito sa HIS?" Tanong ni Sir sa amin.





Nag-tinginan kami lahat, pero wala isa sa amin ang may alam kung ano eksaktong oras kami nakarating lahat dito sa HIS.




"Sir, e08:30 a.m. na po, siguro nandito na kami ng mga 0815 a.m." Sagot ni Kenneth.



"08:15 a.m.?" Tango-tango wika ni Sir.

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon