CHAPTER 21
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
Bago umuwi ng boarding house, dumaan muna ako sa 7/11 na malapit sa village para kumain ng isang cup noodles.
Pag-bayad ko eh nag-hanap na ako ng mauupuan, pero kasamaang palad ang dami tao ngayon. Wala bakante. Ilinibot ko pa ang tingin ko at may nakita ako isang pwesto na pang-apatan na iisa lang naka-upo, pero ang dami pagkain sa lamesa niya. Siguro naman p'wede ako maki-share sakanya ng upuan.
Linapitan ko ito at laki gulat ko na si Jaylen pala ang naka upo. Sana naman pa-upuin niya ako, hindi pa naman kami close at may pagka-taranta-do pa naman siya.
"Uy! Jaylen!" Tawag ko na para bang kakakita ko lang sakanya.
Wala emosyon siya tumingin sa akin.
"Nandito ka din pala?"
Wala imik.
"Ano ginagawa mo dito?"
Tumingin siya sa mga pagkain pagkatapos tumingin uli na para bang sinasabi niya, bobo ka ba? Malamang kakain.
"Ba't ayaw mo mag-salita? Hehehe . . ." Tanong ko habang dahan-dahan umuupo sa tapat niya.
Didikit na ang puwet ko sa upuan pero bigla nag-salita si Jaylen na ikinatigil ko sa pag-upo ko."Sinabi ko ba p'wede ka umupo diyan?" Masungit na tanong ni Jaylen ng hindi tumitingin sa'kin.
"Pa-share lang. Wala na ako mauupuan. Puno na kaya lahat ng upuan dito."
Tumingin-tingin pa ako sa mga upuan at napatayo ako ng maayos nung makita may isang upuan na bakante.
Tumingin ulit ako kay Jaylen. "Edi wag. Doon na lang ako sa bakante katapat ng isang lalaki 'yon."
Aalis na dapat ako nang mag-salita si Jaylen. "Lalamig na ang noodles mo. Umupo ka na."
Tignan mo ang bwisit na 'to.
Umupo na lang ako para hindi na ako mag-lakad. Gutoms na gutoms na'ko eh.
Habang kumakain hindi ko maiwasan tignan ang mga pagkain ni Jaylen. Mayroon siya dalawa siopao, tatlo fresh milk, dalawa tubig, may mansanas, saging, orange, chocolate, hotdog na may tinapay at dalawa bucket ng jollibee chicken joy.
Tinignan ko ang kinakain ni Jaylen. Isang siopao lang at bottled orange juice.
"Hindi ka naman masyado gutom noh?" medyo nahihiya ko tanong sakanya.Ang tahimik naman kasi namin. Parang hindi kami magka-klase.
Wala emosyon ako tinignan ni Jaylen. "Gusto mo ba?"
Nag-fake ubo ako sa bigla tanong ni Jaylen. Pinigilan ko din ngumiti ng malapad baka isipin niya patay gutom ako.
"A-Ano, kung hindi mauubos p'wede kita tulungan kumain. Alin ba ang hindi maubos?"
Tinuro ni Jaylen ang isang bucket chicken joy! Kaya napa yes ako. Nag-fake ubo ulit ako. Medyo nag-mukha ako patay gutom roon.
"Ahm, ano. Ano pa hindi mo mauubos?"
Tinuro ni Jaylen, ang isa siopao, isa bottled water, dalawa fresh milk, mansanas, saging, orange, chocolate at isa hotdog. Lahat ng tinuro ni Jaylen kinuha ko.
"Ang dami mo binili hindi mo naman pala kakainin lahat." Sabi ko sabay kain ng siopao.
"Bakit ayaw ba ng mga n'yan?" Masungit niya tanong.Hinampas ko ang kamay ni Jaylen nang balakin kunin ulit ang mga binigay sa akin. "Oy! Ano ba binigay ang mga 'to sa akin. Kumain ka na nga rin diyan para sabay na tayo matapos."
Nag-umpisa na ako kumain at nakita ko kumain na din si Jaylen.
Grabe! Ang sarap ng chicken joy ng jollibee. Ngayon lang ulit ako nakakain ng ganito. Iyong sipao at hotdog din ang linamnam. Nasuntok ko ang dibdib ko nung mabulunan ako. Lintek, katakawan kasi.
"Zennie!"
Agad ko kinuha ang inabot na bottled water ni Jaylen at ininom agad. Pag-inom ko napahawak ako sa bibig nang bigla ako dumighay.
BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...