CHAPTER 47
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
Linibot ko ang tingin sa paligid, baka kasi may mga bantay nanaman. Napangiti ako ng walang kahit isang tao dito, bukod sa akin.
Tinignan ko ang pagkataas-taas pader na aakyatin ko. Buti naisipan ko mag-dala ng upuan. Tumuntong ako sa upuan, pagkatapos tumalon hanggang sa makakaya ko taas.
“Yes!” Masaya ko bulong nang maabot ko ang taas ng pader. Ilang araw ako nag-pa-practice para tumalon ng mataas eh.
“Zennie?”
“AAAh!” Sigaw ko nang mapabitaw ako sa pagka-kapit ko sa pader, dahil sa gulat nang may tumawag sa akin. “Aray, balakang ko.” Inda ko nang pumalakda ang balakang ko sa damuhan.
Tinignan ko ng salubong ang kilay ang tumawag sa akin, pero agad din nagkaroon ng pagitan ang dalawa ko kilay nang makita ko ang isang pamilyar na matandang mukha.
“Lola?” Masaya ko wika saka ako mabilis na tumayo at lumapit sakanya. “Lola!” Ngiti ko wika.
“Ikaw na bata ka, ano nanaman ba ang pinag-gagawa mo?”
“Aray ko!” Reklamo ko nang paghahampasin ako ni Lola sa braso.
Maya-maya ay tumigil na si Lola saka tumingin sa Head ng ampunan na ito. “Mag-uusap muna kami ng apo ko,”
“Sige po.” Saka umalis ang Head.
Pag-alis ng Head, tumingin si Lola sa akin. “Bakit nandito ka nanamang bata ka? Akala ko magiging maayos ka?” Sermon agad ni Lola sa akin.
Ngiti lang ang naisagot ko sa mga sermong tanong ni Lola sa akin.
“Huwag mo ako manginitingitian diyan!”
“Paano n'yo po nalaman na nadito po ako?”
“Tinawagan ako, syempre.”
“Eh, Lola. Nandito po ba kayo para kunin ulit ako?” Magalang ko tanong. Kailangan magpa-good shot.
“Pinag-iisipan ko pa,”
Kumapit ako sa braso ni Lola. “Lola, gaya ng promise ko sainyo dati. Magiging maayos po ako at maayos po ako ngayon. Pag-labas ko po ulit dito hindi ninyo na po ako kailangan intindihin kasi may tinitirhan na po ako ngayon atsaka nag-aaral po ako sa isang prestigious elite school.” Pag-mamayabang ko.
Tinignan ako ni Lola mula ulo hanggang paa. Ipinagmalaki ko sakanya ang suot ko black shoes, medyas at suot ko school uniform.
BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Dla nastolatkówNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...