CHAPTER 69

1.1K 50 12
                                    

CHAPTER 69


 

ZENNIE ' s POINT OF VIEW


“For today's quiz ang nakakuha ng highest score walang iba kundi si Rehan. Congrats, Rehan!”  Announce ni Sir Robert.
  

Nag-iisa napalakpak ako nung in-announce ni Sir iyon. Ang galing talaga ni Rehan. Mag-mula first prelim namin hanggang ngayon siya lagi ang nangunguna at lagi mataas ang mga score sa kahit anong activity na gawin namin.

Lumabas na si Sir Robert. Inayos ko naman na ang mga gamit ko. Habang nag-aayos napatingin ako kay Hendery na nag-babasa ng libro. Nag-aalala ako sakanya. Magaling naman na ang paa niya, pero hindi siya kasing sigla tulad ng dati.

  
 
Nginitian ko si Hendery nung mapatingin siya sa akin. Nginitian niya ako pabalik tapos binalik niya ang tingin sa binabasa niyang libro. Baka busy lang siya mag-review. Mag-eexam nanaman kami next week eh.
 
 
 
“Zennie.”

Bwisit. Siya nanaman.

  
  
“Bakit?”  Tanong ko ng hindi tumitingin sakanya.
 

Ilang araw na niya ako kinukulit. Gusto raw ako kausapin ng kaming dalawa lang sana. Eh, ayoko. Tangin-a niya, ano sasabihin niya sa akin? Yung pakiusap na sinabi niya sa akin nung gabi nung birthday ko?!
 

“Akala ko ba ayos na tayo?”
 

Tumingin ako kay Storm. “Oo. Ayos naman na tayo eh.”  Iritado ko sagot.
 
 
Ayos naman na kami sa pag-sabi niya ng malandi sa akin. Nag-sorry na naman siya eh, kahit na lasing nung nag-sorry. Tapos nag-effort pang i-surprise ako nung birthday ko. Ayos na kami. Wala na sa'kin kung habul-habulin niya yung Sofia niya, wala ako pake.
 
 
Pero kung kakausapin niya ako ng private, dahil sa pakiusap niya sa akin, aba! Manigas siya hanggang sa mag-yelo siya.

“So, can I talk to you in private?” Pakiusap niya nanaman.

    
 
Inis ako tumayo.  “Hindi!” Malakas ko sigaw. Aalis na dapat ako sa pwesto ko pero hinarap ko ulit si Storm.  “Lalabas ako, pero huwag mo ako sundan. Tantanan mo 'ko, Tukmol ka!” Duro ko pa sakanya gamit ang ballpen ko.

Pag-labas ko ng classroom, lumabas rin si Jaylen. Hindi ko siya pinansin. Kumukulo pa ang dugo ko sa Tukmol na 'yon.

“Sa'n ka pupunta?”  Tanong ko kay Jaylen nung pareho kami ng tinatahak na daan.


 
“Library.” Aniya.

Kaya pala pareho kami ng dinadaanan, pareho kami ng pupuntahan.

“Akala ko ba ayaw mo doon, kasi madami tao?” Lalo na ngayon mag-eexam nanaman. 

“May hihiramin ako libro.”

Napatango ako. Grabe talaga sila mag-review. Kulang pa ang libro namin? Eh, ang dami na non eh.

“Ikaw?”

“Sa library din ako.”  Sagot ko.
 
 
“Not that.”

“Eh, ano?”

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon