Chapter 42

22.7K 579 47
                                    


KABANATA XLII

[THIRD PERSON]

Dinala ni Owen si Jirsten sa pinakamalapit na hospital matapos nitong mahimatay. Labis ang pag-aalala niya habang pinapanood ang doctor na inaasikaso ang dalaga. Matapos ang ilang minuto ay hinarap siya ng Doctor.

“Donʼt worry, Mr. Chavez. Nawalan lang siya ng malay dahil sa stress. She will be fine after a rest.”

He worriedly looked at Jirsten. He turned back his eyes to the doctor.

“Something must be wrong with her,” nag-aalala pang tugon niya.

Bumuntong-hininga ang Doktor. “Normal Lang ito. Kadalasang nangyayari ito sa mga taong may past trauma o sa sobrang stress. Maybe something had triggered her to faint.”

Muli siyang napatingin sa dalaga. Trauma? Paano siya nagkaroon ng trauma?

Hindi pa man siya nakakapagsalita nang marinig niya ang pagtunog ng phone niya. Agad niya itong sinagot nang makita ang pangalan ng sekretarya. Iniwan niya ito upang hanapin si Kyllian kasama ang ibang staff ng hotel.

“Nakita niyo na siya?” tanong niya habang pinagmamasdan si Jirsten.

“Wala po siya sa hotel,” tugon ni Francis. “S-Sir, nagpunta kami sa control room para tignan ang mga CCTV.”

Bumilis ang tibok ng puso niya. “Anong nangyari?”

“M-May isi-send po ako sa inyo na video. Kayo na lang po ang tumingin.”

Ilang saglit pa ay nilayo ang phone niya sa tainga niya at tinignan ito. Agad niyang binuksan ang video na ipinadala ni Francis.

Kuha ito sa corridor kung saan makikita ang paglabas ng bata sa silid. May lalaking nakasumbreo ang nakatayo sa hindi kalayuan. Tumingin muna sa paligid ang lalaki bago lumapit sa bata. Nakipag-usap ito saglit sa bata bago kargahin at umalis. Sa pangalawang bahagi ng video ay tumigil ang lalaki sa parking lot, sa harap ng isang sasakyan. Ilang saglit pa ay nagbukas ang pinto ng sasakyan at ipinasok si Kyllian. Nagbukas naman bintana ng driver seat at iniabot sa lalaki ang sobre bago umalis.

Naningkit ang mga mata niya. Pamilyar ang sasakyan sa kaniya. Umismid siya at hindi makapaniwala sa nakita. Now, he knew who took Kyllian.

Agad siyang umalis upang magtungo sa lugar kung saan niya makikita ang ama, sa bahay nila. Hindi niya mapigilan ang galit na namumuo sa dibdib niya habang nagmamaneho patungo sa mansyon nila.

Nang makarating siya ay nagmamadali siyang magtungo sa loob ng bahay hanggang marating niya ang opisina ng ama. Hindi nga siya nagkamali. Nakita niya si Oliver na umiinom ng alak habang nakaupo sa swivel chair nito.

Oliver looked at him as if he had expected to see him.

“Where is he?” Owen gritted his teeth.

His father sipped his wine as he spoke, “You wonʼt see him ever again.”

“Where is he?” madiin niyang pag-uulit.

Gumalaw ang panga ni Oliver. Hindi nito lubos akalain na aakto na naman ang anak ng ganito matapos bumalik ni Jirsten sa buhay nila. Galit na ibinaba ni Oliver ang hawak nitong baso at tumayo upang harapin ang anak.

“How could you be this stupid?! Hanggang ngayon ay nagpapakatanga ka pa rin sa babaeng iyon!” hindi na itinago ni Oliver ang galit nito matapos ang mga nalaman. Dismayadong tumingin sa kaniya ang ama.

“Kailan ba papasok sa kukote mo na pera lang ang habol ng mga ganoong klase ng babae? She even used her son to fool you again.”

Dumilim ang mukha ni Owen. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa ama bago niya ito tugunin, “Anong pinagsasabi mo?”

The Mistress's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon