KABANATA XXX[THIRD PERSON]
Nagising si Owen sa tunog ng telepono niya. Napatingin siya sa dalaga na mahimbing itong natutulog sa tabi niya. Parehas silang walang saplot matapos may mangyari sa kanila kagabi. They were so happy yesterday after Jirsten said yes to his marriage proposal.
Napatingin siya sa tumatawag. Kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ng ama. Alas tres pa lang ng madaling araw. Anong pakay nito at napatawag ng ganitong oras?
Sa halip na mag tanong ay agad niya itong sinagot.
“Where are you?” seryosong tanong nito.
“You know where I am,” malamig niyang tugon.
“Kasama mo na naman ang babaeng iyon?” iritableng tanong ng ama.
Lumingon naman siya sa dalaga bago maisipang lumabas muna upang hindi magising ang kasintahan.
“What is it?” tanong niyang muli.
“Your mom is dying in the hospital while you are enjoying your life with that whore!” galit na bunto ng ama.
Agad na bumilis ang pagtibok ng puso niya. Mabanggit lang ang ina niya ay hindi na siya mapakali.
“W-What happened?” he asked.
“Go back to Manila and see it yourself,” anito.
Agad na ibinaba ng ama ang tawag. Mabilis naman siyang nagtungo sa silid upang magbihis. Sa pagmamadali ay hindi niya naiwasang gumawa ng ingay dahilan para magising si Jirsten.
Bumangon si Jirsten at nag-aalalang tumingin sa kaniya. Binalot ng dalaga ng kumot ang katawan nito.
“M-May pupuntahan ka ba?” utal nitong tanong.
“I have to go back to Manila,” piyok na tugon ni Owen.
“Why?”
“Something happened to Mom,” tugon nito. Halata ang pagkataranta.
“Can I come?”
Natigilan si Owen. Ilang saglit pa ay tumango siya. Wala rin namang silbi kung itatago niya pa rin si Jirsten sa ama.
Agad na tumayo si Jirsten upang magbihis din. Pagkatapos ay agad silang nagtungo sa Manila. Naging tahimik ang buong byahe.
Umaga na nang makarating sila sa Manila. Halos walang katao-tao sa loob ng hospital. Nadatnan ni Owen na tulog ang ina sa loob ng ICU habang nakasaksak sa katawan nito ang ilang makina. His father wasnʼt lying when he said his mother was fighting for her life earlier this morning.
Hindi mapigilan ni Owen na maluha. Agad naman siyang niyakap ni Jirsten.
“Anong ginagawa ng babaeng ito dito?” agad na tanong ni Oliver matapos niyang dumating kasama ang isang doctor.
Owen looked at Jirsten. “You should go first. Bumili ka muna ng makakain at hintayin ako sa kotse,” mahinahong ani Owen.
Wala namang nagawa si Jirsten kung hindi ang tumango. Lumingon siya sa ama ng kasintahan at bahagyang ngumiti bago tuluyang umalis. She should avoid making a scene as much as possible.
Palabas na sana siya ng hospital nang makasalubong niya si Vanna. Halata naman sa mukha nito na hindi ito natutuwang makita siya.
“What are you doing here?” inis na tanong ni Vanna.
“Anong ginagawa mo rin dito?” malamig na tugon ni Jirsten.
Umismid si Vanna. Ilang saglit pa ay nawala ang ngiti sa labi niya nang makita ang singsing sa daliri ni Jirsten.
BINABASA MO ANG
The Mistress's Daughter
FantasyCOMPLETED | 2024 VERSION | R-18 Jirsten Myles Ferrer had always wanted a simple and quiet life. Unfortunately, she could not get it because of her mother's way of living. Eventually, her mother became the mistress of one of the country's most succes...