Chapter 19

22.9K 631 11
                                    

KABANATA XlX

[JIRSTEN MYLES]

When we got home, he didnʼt say anything to me again. I donʼt know what was going through his mind. I went to my room and lay down on the bed. I just winced when I felt the pain in my back. Looks like Iʼll have to suffer through this for a few days. Hindi naman malala ang natamo ko. Mga gasgas lang. Mabuti na lang at hindi ako nabalian.

It was like I just traded my life for a motor worth three hundred thousand. Is my lowly life worth 300k now?

Natigilan ako nang pumasok sa isipan ko ang nangyari kanina.

“I thought I lost even you.”

Owen hugged me earlier. Tightly.

Napahawak ako sa dibdib ko nang bumigat ang paghinga ko. Anong ibig niyang sabihin sa mga salitang iyon? Na takot siyang mawala ako sa kaniya?

Ilang oras kong inisip iyon hanggang marinig ang kaluskos sa labas ng silid ko. I knew it was Owen. Kahit ata mga yabag ng mga paa niya ay alam ko na. What is he doing here? It’s already 1:00 AM.

Agad kong ipinikit ang mga mata ko nang marinig ang pagbukas ng pinto. Rinig ko ang mga yabag niya papunta sa akin hanggang maramdaman ko ang presensya niya sa harap ko. He sat on the floor and leaned at the edge of the bed.

Hindi ko man siya nakikita ay alam kong nakatingin siya sa akin.

“I’m afraid,” mahinang saad niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses niya. Ngayong araw ko lang ulit narinig ang boses niya sa loob ng halos isang buwan.

Bahagya kong binuksan ang mga mata ko. He was facing the door now while hugging his knees.

“Gem, I don’t know what to do anymore. I feel like I am fighting against the world,” he whispered.

Muli siyang natahimik. Ipinikit ko naman ang mga mata ko ulit at hayaan siyang magsalita. I didnʼt expect him to open up this way. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nasasaktan ako sa bawat salitang binibitawan niya. Halata sa boses niya ang lungkot.

“I am slowly losing myself. Para akong mababaliw.”

Gusto kong bumangon at yakapin siya ngunit nanatili akong nakapikit. I know he would push me again. This is much better, listening to his pain silently.

“And I am afraid to lose you.”

I swallowed. I didn’t expect him to say that. Itinikom ko ang kamay ko na nakatago sa unan.

Rinig ko ang mahina niyang pagtawa. “I mean, who would have thought? I hate you. I really do. Sinira ng mama mo ang pamilya ko. And now, her daughter makes me lose my mind.”

“Every time I see you, you remind me of everything. You always remind me of your mother.”

“I should have just hated you, right? But why, Gem? Why am I hurting right now after I saw you like this?”

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. Ilang minuto siyang naging tahimik. Ilang saglit ay muli siyang nagsalita dahilan para mas lalong manikip ang dibdib ko.

“Why did you become her daughter?”

Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ngunit mas pinili kong hindi idilat ang mga mata ko.

Ilang saglit pa ay narinig ko ang pagtayo niya. Naglakad siya palayo sa akin. Pagkatapos ang ilang segundo ay narinig ko na lang ang pagbukas-sara ng pinto.

The Mistress's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon