KABANATA XXII
[JIRSTEN MYLES]
I could not react on time when he moved his lips. Dalawang segundo bago ako bumalik sa sarili at mahina hinampas siya sa dibdib. He let go of me and groaned while chuckling. Naiiyak akong lumayo sa kaniya. I was about to hit him again when he caught my hand. He let out a chuckle again before he sat up.
“Buwisit ka! Akala ko nalunod ka na!” inis at naiiyak kong sabi.
Agad akong kumalma nang makita siyang nakangiti. That was the first time I saw him smile again.
Nawala rin ang ngiti niya nang magkatitigan kami. Ilang saglit pa ay nailang kami sa isaʼt isa. He cleared his throat before I heard him stand up. Tumayo rin ako nang hindi tumitingin sa kaniya.
“Tara na.”
Hindi ko rin naiwasang tumingin sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko. Babawiin ko sana ito nang higpitan niya ang pagkakahawak. Sa huli ay hinayaan ko na siya. Masyadong madulas ang daan pababa kaya pabor din sa akin ang paghawak niya sa kamay ko.
Ramdam ko na naman ang pagwawala ng puso ko habang pababa kami mula sa taas ng talon. Nang hindi na madulas ang daanan ay saka niya binitawan ang kamay ko. Nauna siyang naglakad pababa.
Niyakap ko naman ang sarili ko habang naglalakad dahil sa lamig. Para kaming mga basang sisiw.
Sinalubong kami ni Ian nang makita kaming palabas sa kakahuyan.
“Where did you guys go?” he immediately asked.
Naningkit ang mata ko nang makitang namumula ang mga mata niya. Umiyak ba siya?
Sa halip na sagutin siya ni Owen ay nilagpasan siya nito. Sa akin naman dumako ang tingin ni Ian.
“Pumunta kami sa taas. Hindi sinasadyang mahulog sa ilog,” paliwanag ko. He nodded in response. I slightly smiled at him before leaving him alone.
Agad akong nagtungo sa tent namin upang kumuha ng pamalit bago nagtungo sa restroom. Unexpectedly, I saw Lyn there, Ianʼs girlfriend. We talked for awhile. Sinabi niya sa akin na nakipaghiwalay siya kay Ian ngayong araw. Iyon siguro ang dahilan kung bakit namumula ang mga mata ni Ian kanina. Umiyak siya.
Kahit kailan ay hindi ko maintindihan ang mga nararamdaman ng mga lalaki. Minsan ay gumagawa sila ng dahilan para saktan ang mga partner nila tapos sa huli ay kasama sila sa masasaktan. Just like Ian and Landon.
---***---
KINAGABIHAN AY gumawa kami ng bonfire. Sobrang saya namin habang nagkukuwentuhan at sinusulit ang camping. Sino ba ang hindi magsasaya? Tapos na ang sem at hinihintay na lang nila ang graduation na ang iba sa kanila. I also didnʼt expect na masu-survive ko ang isang sem sa university. Second semester na kasi ako pumasok at sobrang iba ang environment sa dating pinapasukan ko.
Everyone was making noises except Owen. I would constantly glance at him, but all he was doing was watching the flames and listening to us. Hindi pa rin siya lumilingon sa direksyon ko.
“Baka matunaw si Owen sa kakasulyap mo.”
Napatingin ako kay Aaron na nasa tabi ko nang magsalita siya. He smiled at me.
“You have a feeling for him, right? Alam kong meron,” he chuckled.
Ramdam ko ang kaba nang tanungin niya ako tungkol sa nararamdaman ko kay Owen. I looked at Owenʼs direction. My lips parted when I saw him looking at me this time. Hindi maganda ang timpla ng mukha niya dahilan para mas lalong lumala ang kaba ko.
BINABASA MO ANG
The Mistress's Daughter
FantasyCOMPLETED | 2024 VERSION | R-18 Jirsten Myles Ferrer had always wanted a simple and quiet life. Unfortunately, she could not get it because of her mother's way of living. Eventually, her mother became the mistress of one of the country's most succes...