KABANATA XI[JIRSTERN MYLES]
We stared at each other’s eyes for a minute. My lips parted, but I could not say a word. He wasn’t kidding by the way he looked at me.
“Jirsten?” Sabay kaming napatingin sa likod niya nang may magsalita rito. It was Paul who was confused while looking at us.
“Kailangan ka sa loob,” sabi niya. Mabilis naman akong tumango at umalis sa harapan ni Owen. I was about to leave when Owen grabbed my arm. He glared at me like he was saying not to leave him.
“Dude.”
Muli akong napatingin kay Paul nang hawakan nito ang braso ni Owen. Mukhang napapansin niya kung ano ang nangyayari. Napakagat ako ng labi nang maramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko bago ito bitawan.
“You can’t run away from me forever,” he whispered.
Instead of answering him, I avoided his gaze. He snarled before removing his hand. I looked at Paul and mouthed thanks before leaving them alone.
Matapos ang mahabang gabi ay isa-isang nagsipag-uwian ang mga co-workers ko after they said their goodbyes.
“Lagi ka bang ginugulo nu’n?”
Nakuha ng atensyon ko si Paul nang magsalita ito sa likod ko. Inaayos ang mga gamit sa loob ng locker niya.
“Kung gusto mo, pwede natin siyang i-ban dito,” dagdag pa niya.
“You can do that?” takang tanong ko sa kaniya.
“Yep. Lalo na kung ginugulo ka.”
“Kayo ang mawawalan,” giit ko. Agad naman siyang umiling sa akin habang natatawa.
“Hindi. Mas malaki ang kinikita ng bar na ito sa inaakala mo.”
Humarap siya sa akin matapos isara ang locker saka inabot ang isang sobre. Taka lang akong napatingin dito. Hinawakan niya ang kamay ko at binigay ang sobre.
“It’s your first payment.”
Agad ko namang tinignan iyon na naglalaman ng pera.
“S-Sobra ata ito,” gulat na saad ko.
“Minsan tumataas ang sweldo sa isang gabi kapag maraming customer,” paliwanag niya.
Nang makauwi ako ay hindi ko nadatnan si Owen sa bahay. Ang akala ko ay hinihintay ako nito pauwi matapos ang nangyari kanina pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang wala siya.
---***---
[THIRD PERSON]
KINABUKASAN AY nagising si Owen sa sinag na araw na tumatama sa mukha niya.
“Damn,” he cursed.
Inis niyang binuksan ang mga mata niya. Akmang sisigawan niya ang nangahas na pumasok ng silid niya nang mapagtantong hindi ito ang silid niya. Kunot-noo siyang tumingin sa taong nag-alis ng kurtina ng bintana. Agad umamo ang mukha niya nang makita ang pinsan.
“Chynna,” walang gana niyang saad. “Why am I here?”
“I don’t know. Bigla na lang dumating si mommy na kasama ka.”
Now he remembered. He was too drunk yesterday, got into a fight, went into the police station, and his aunt was the only one he could call.
“Psh. Take a breakfast and leave! Ayaw ko sa mukha mo!” inis na sabi ni Chynna.
BINABASA MO ANG
The Mistress's Daughter
FantasyCOMPLETED | 2024 VERSION | R-18 Jirsten Myles Ferrer had always wanted a simple and quiet life. Unfortunately, she could not get it because of her mother's way of living. Eventually, her mother became the mistress of one of the country's most succes...