KABANATA XXVIII
[JIRSTEN MYLES]
Napangiti ako nang makita na malapit nang matapos ang painting ko. It was almost two months since I started the painting. I painted Owen and his mother on their brightest smile. I spent half of my day for almost two months to finish my work in the basement.
Binalaan ko na si Owen na huwag papasok sa loob ng basement kapag oras ko roon. Hiwalay kasi ang basement sa rest house. And Owen respected our privacy. He would not let himself inside without my permission.
Hindi naman kasi laging nasa bahay si Owen. Nakahanap siya ng trabaho nong isang buwan. Naging assistant manager siya sa isang resort malapit sa tinutuluyan namin.
Napatingin ako sa pinto nang marinig ang sunod-sunod na katok. Agad kong tinakpan ang gawa ko bago lumabas.
Sumalubong sa akin ang matamis niyang ngiti nang buksan ko ang pinto.
“Done?” he asked.
“Almost,” aniko.
He chuckled. “Youʼre still beautiful even with those paint on your face.”
Napangitin ako sa katawan ko at damit ko. Hindi ko rin alam kung bakit makalat akong magpinta. Hindi nadudumihan ang painting ko pero iyong damit at balat ko naman ang puro pintura.
“Maliligo lang ako,” natatawang aniko at isinarado ang pinto.
“Yeah. I bought some doughnuts on my way here. Letʼs drink coffee on the veranda.”
“Okay.”
He grabbed my waist and kissed me on the lips before he let me go. Mahina ko namang tinapik ang braso niya at nagawa.
“Loko.”
Pareho kaming natawa bago ako umalis.
It was another peaceful night while sitting on the veranda. Madilim na ang paligid. Kita ang mga bituin sa kalangitan. Rinig namin ang ugoy ng alon mula sa hindi kalayuan. Tanaw rin namin ang kalahating buwan ngayon na nagbibigay liwanag sa karagatan.
Aminin ko man o hindi, ang dalawang buwan na pananatili namin dito ay ang pinaka-mapayapa at tahimik na buhay na naranasan ko sa tanang buhay ko. It was too good to be true that sometimes it felt like a dream.
“How was your work?” tanong ko sa kaniya.
“Nothing much. Just a normal day,” aniya.
“Nag-eenjoy ka sa work mo?” tanong kong muli.
“Not as much as when I am with you,” he teased.
Natawa naman ako. “Bakit hindi na lang ako ang trabahuin mo?” biro ko.
Napangiti naman siya at mapaglarong tumingin sa akin.
“Why not?”
Agad siyang tumayo sa upuan niya.
“Joke lang!” natatawang saad ko bago niyakap ang sarili.
“Ah, wala. Narinig ko na. Sabi ko ikaw na lang ang trabahuin ko,” pag-aasar pa niya.
Lumakas ang halakhak ko nang maabot niya ako at sinusubukang buhatin.
“Owen Chavez!” matinis kong sigaw. “Nagbibiro lang ako! Isa!”
Pareho kaming natawa. Isiniksik naman niya ang sarili niya sa upuan ko hanggang makaupo siya. Medyo malawak naman ang upuan ko kaya ipinatong ko na lang ang mga binti ko sa mga hita niya. Ipinulupot ko ang braso ko sa kaniya habang ang isang braso niya ay nasa baywang ko.
BINABASA MO ANG
The Mistress's Daughter
FantasiCOMPLETED | 2024 VERSION | R-18 Jirsten Myles Ferrer had always wanted a simple and quiet life. Unfortunately, she could not get it because of her mother's way of living. Eventually, her mother became the mistress of one of the country's most succes...