KABANATA XII
[JIRSTEN MYLES]
Eksaktong 11 o’clock nang matapos ako sa trabaho. Hindi na ako pumunta sa kung saan at dumiretso na lang ako ng uwi. Halos ilang araw na akong umuuwi ng halos hating gabi na.
“Where have you been? At that bar again?”Agad na bungad sa akin matapos kong makapasok sa bahay. He was on the stairs, holding a cup of coffee. I’ve gotten used to his presence these past few days. It was like he deliberately waited for me to come home to ask where I went and what did I for the entire day. Minsan ay hindi ko na siya maintindihan.
Wala akong ganang sagutin siya. Nagsimula akong maglakad para lagpasan siya. Ngunit bago ko pa man magawa iyon ay hinawakan niya ang braso ko.
“Ano ba?” malamig kong tanong. It was obvious from his face that he did not like my tone.
“I just saw your mother outside the house. Talking to a strange man,” anito. Agad naman akong natigilan sa sinabi. Hindi makapagsalita nang magtama ang mga mata namin.
“Don’t she dare cheat on Dad. Alam mo na kung ano ang kaya kong gawin.”
I was left dumbfounded after he left, hoping that his accusation wasn’t true. Hindi iyon magagawa ni Mama. Hindi ngayon na nakukuha na niya ang lahat ng gusto niya sa buhay niya. Hindi naman magagawang magloko ni Mama… Hindi ba?
Napailing ako nang mapagtantong hindi imposible ang sinasabi niya.
---***---
NANG SUMAPIT ang araw ng sabado ay nagpunta ako sa Yummika matapos nila akong tanungin kung may libre akong oras ngayong umaga. Wala naman akong pasok kaya pumunta na rin ako.
Taka akong napatingin sa buong paligid nang makita ang ilang boxes na nakaparada sa labas ng bar. Mabilis akong lumapit kay Paul nang makitang tila naglilista ito ng mga boxes.
“A-Anong meron?” takang tanong ko.
“Ikaw pala,” ani Paul. “Ah. Ito ba? Ido-donate sa rehabilitation center.”
Tumango naman ako at hindi na nagtanong pa.
Our visit to the rehabilitation center was a life-changing experience. As soon as we arrived with our boxes of donations, we were greeted with warm smiles and gratitude by the nurses and doctors. Witnessing the joy on the faces of the patients and caregivers made me realize how much the donations mattered.
We spent the entire day engaging with them, playing games, washing clothes, and cooking lunch. It was a humbling experience to see how they are dealing with their challenges and still find happiness. Hindi ko akalain na sa tanang buhay ko ay makakapunta ako sa ganitong lugar.
Natapos din kami pagkatapos sumapit ng alas tres. As I sat here on the grass, I was feeling grateful for this opportunity and capturing the beauty of the moment on my sketchpad.
Habang nililibot ko ang paningin ko ay tumigil ito sa isang babaeng nakaupo sa isang bench. Hawak ang isang laruang kotse. Sa hindi malamang dahilan ay lumapit ako sa kaniya.
“Bakit mag-isa lang ho kayo dito?” takang tanong ko sa ginang. She was beautiful even without make up.
Maganda ang kinis ng mukha niya, mukhang nanggaling sa marangyang pamilya. Tinignan lang niya ako pero hindi siya nagsalita. Muli siyang tumingin sa ilang pasyenteng nagkakasiyahan.
“Bakit po ayaw niyong makisali sa kanila?” takang tanong ko ulit.
Umiling siya sa akin.
“Hinihintay ko ang anak ko. Maglalaro kami,” nakangiting anito habang nakatingin sa kawalan.
BINABASA MO ANG
The Mistress's Daughter
FantasyCOMPLETED | 2024 VERSION | R-18 Jirsten Myles Ferrer had always wanted a simple and quiet life. Unfortunately, she could not get it because of her mother's way of living. Eventually, her mother became the mistress of one of the country's most succes...